^

Para Malibang

Aswang family (57)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“NARINWIG MWO akwo, Adwani—tulungan nat-win ang mga sakway ng eroplan-wo!  Dalwiii!” pakiusap ng bading na kapre sa bad fairy.

Nasa ibabaw sila ng Pacific Ocean. Saksi sina Adwani at Mang Sotero sa pagbulusok ng  malaking eroplano sa ilalim ng dagat.

“At bakit ako magmamadaling tulungan ang mga sakay ng eroplano, Sotero?” taas ang kilay na tanong ni Adwani. “Nalimutan mong ako’y masamang diwata?”

Hindi makahagilap ng sagot si Mang Sotero. Nakabitin pa rin siyang patiwarik, hawak ni Adwani sa paa.

“At ikaw, Sotero, nalimutan mong kapreng ba­ding ka? Pareho tayong kalaban ng mababait!”

“Perwo, Adwani, pagkakataon na natwing baguhin ang atwing image. Lalun-wa ikwaw, matatandaan ka ng mga tao na super hero-- kahit minswan lang!”

Natigilan ang bad fairy, namilog ang mga mata. “I-I love super-heroes, Sotero! B-bakit nga ba hindi…?”

Biglang nilagyan ni Adwani ng pakpak ang kapreng bading.

Malalaking pakpak na kulay-pink. Natuwa ang kapreng bading. “N-napakagand-wa, bagay na bagay sa akwinnn!

“Pero bakwit, Adwani? Para saan itwo?”

“Dadalhin natin sa kaligtasan ang mga sakay ng eroplano, Sotero.”

Nawalang bigla ang bad fairy; nanatiling nasa ibabaw ng karagatan ang kapreng ba­ding, sa tulong ng mga pakpak na pink.

SA ILALIM ng Pacific Ocean, ang eroplanong bumulusok ay nasa pusod na ng dagat—anumang sandali ay sasabog na.

Buhay pa ang mga pasahero at tripulante, nagpipilit lumabas. Nagpa-panic na silang lahat. Nag-iiyakan na.

Nang biglang nahilang paitaas ang eroplano. WUUUNNNG.

Mabilis na pumai­babaw sa ocean. Parang barkong nakalutang sa karagatang iyon.

Hindi doon natapos ang hiwaga—biglang bumukas ang mga emergency exits ng eroplano.

Noon nakita nga mga pasahero ang napakagandang diwata, na may alalay na kapreng ba­ding—with pink wings. (ITUTULOY)

vuukle comment

ADWANI

BIGLANG

BUHAY

DADALHIN

DALWIII

MANG SOTERO

PACIFIC OCEAN

SOTERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with