^

Para Malibang

Aswang family (55)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

INIWAN ng tatlong member ng Aswang Family ang sintu-sintong dalawang ulit nang nanghalay sa pang-ibabang katawan ng manananggal; hindi napatawad ni Greco ang lalaking nagsamantala kay Shalina.

Kung matutuluyan daw ang sintu-sinto, kagustuhan na iyon ng Diyos, diin ni Greco. Umaga na, umalis sila sa sagingan bilang mga normal na tao.

“Bilisan pala natin, bugbog-sarado si Itay kagabi, dinumog ng tao habang kumakanta sa karaoke bar…”

“Ang gagong tatay mo! Bakit siya kumanta…?”

“Inay, pati ho ako-- natuksong kumanta. Noong una’y takot ang mga tao, nakabantay lang sa labas. Kaso, nagsitapang, bigla kaming sinugod…” pag-amin ni Shalina.

“Inilagay mo sa bingit ang sarili mo, Shalina?” Tutol si Greco.

Sinalubong sila ni Telco at ng asong si Foxy. Takot na takot ang dalawang nagbantay kay Mang Sotero.

“Telco, bakit, ano’ng nangyari?” tanong ni Shalina sa binatilyo.

“Si Tatay Sotero, habang kapre pa kanina, tinangay ng diwatang masama!” putlang-putlang sabi ni Telco. “Wala kaming nagawa ni Foxy!”

“Kaw-kaw-kaw! Kaw-kaww-kaww”  tahol ng aso, tila sinegundahan ang sabi ng binatilyo.   Hindi makapaniwala sina Greco, Shalina at Aling Mameng.

“Ano ba ang nais patunayan ng Adwaning ‘yon? Matanda na si Sotero, bakit tatangayin…?”

“Dati silang lovers, Inay Mameng…” sabi ni Greco.

“Mali! Ikaw ang huling mangingibig ni Adwani, at bata ka pa  dapat ay ikaw ang dinala-- hindi ang mister kong laos na!”

Hanggang sa makarating sila sa bahay na bato, hindi nila maisip ang motibo ng masamang diwata—sa pagtangay kay Mang Sotero.

Nag-iiyak na sa galit si Aling Mameng. “Wala na bang katapusan ang paghihiganti sa’tin ng Adwaning ‘yon? Ginawa na nga tayong aswang, pati ba naman si Sotero’y ilalayo pa sa akin?”

Maging si Shalina ay naliligalig. “Saan dadalhin ng masamsang diwatang ‘yon si Itay?”

TANGAY ni Adwani ang ex-lover, sa ibabaw ng Dagat Pasipiko. “Hulaan mo ang gagawin ko sa iyo, Tandang Sotero!”  (ITUTULOY)

 

vuukle comment

ADWANI

ADWANING

ALING MAMENG

DAGAT PASIPIKO

INAY MAMENG

MANG SOTERO

SHALINA

SI TATAY SOTERO

TELCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with