^

Para Malibang

Aswang family (21)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NALAGOT  nina Greco at Mang Sotero ang kadenang gapos makaraang maging Tikbalang at Kapre ang magbiyenan.

Si Greco ay Tikba­lang na macho pa rin, pero si Mang Sotero ay naging Kapreng bakla.

Nagtatakbo agad sa malayo si Grecong Tikbalang. Humaha­linghing sa kalaliman ng gabi. Ahiii-iiii. Ahhiiii-iiii. Nadinig at nakita ng boy at ng shih tzu ang nangyayari, mula sa bintanilya ng bodegang pinagtataguan, lalong natakot.

Nadinig din ng matandang bulag—si Uncle Saro na nasa silyang tumba-tumba. “May tikbalang…iyon siguro ang manugang ni Mameng…”

Pumorma na rin ang Kapreng bakla—si Mang Sotero. Wala na rin ito sa huwisyong tao. Nagpapaka-Kapre na ito.

Hinitit nito ang malaking tabako, buong landi na ibinuga sa hangin ang usok na amoy-asupre.

Tumitikwas ang mga daliri ng Kapreng bading. Pakendeng-kendeng na nagsimulang lumakad.

Naamoy ng matandang bulag ang usok na amoy-asupre.  Napaigtad ito. “M-merong kapre sa malapit….”  Hindi natakot, natuwa pa nga si Uncle Saro. Sumigaw. “HOY! KAPRE! COME AND GET ME!” Nasa tapat ng balkonahe ng bahay na bato si Mang Soterong Kapre; napalingon ito sa matandang nasa tumba-tumba.

Hindi alam ng kapreng bading na ito ang  bulag na tiyuhin ni Aling Mameng.  Naiintrigang tinitigan ito; nilapitan.

Umuga ang barandilya ng balkonahe na hinawakan ng Kapre.

Malakas ang pakiramdam ni Uncle Saro. Alam na nasa tabi na niya ang kapre. 

 â€œHOY, KAPRE, HINAHAMON KITA! BULAG AKO PERO HINDI KA UUBRA SA’KIN!”

Napataas  ang kilay ng bading na Kapre. Humitit ito ng tabako. Saka ibinuga sa mismong ilong ng bulag. Puuwaah.

Nayanig pati ngalangala ni Uncle Saro.   Nasakop ng takot. “Aaaahh! Hindi na po! Suko naaa!”

 (ITUTULOY)

 

 

 

 

vuukle comment

ALING MAMENG

GRECONG TIKBALANG

KAPRE

KAPRENG

MANG SOTERO

MANG SOTERONG KAPRE

UNCLE SARO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with