^

Para Malibang

‘Butas na lupa’ (46)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NANG matauhan si Jake, siya—tulad ni Monica-- ay naging estatwa na rin.  Magkatabi-magkaharap sila sa napakataas na hapay na building.

Para bang hindi pa sapat na si Jake ay nawalan ng malay-tao nang makita ang mga taga-ibang planeta; ngayo’y dalawa pa silang naging estatwa ng nobya.

Paano pa niya ito maitatakas sa mga alien?

“Monica, bakit tayo nagkaganito?  Pareho na tayong bilanggo ng mga taga-ibang planeta…” Sa isip lang ito kayang sabihin ni Jake; nawalan na siya ng kakayahang makapagsalita nang maging estatwa.

“Pareho mo’y buhay pa ako, Monica, kahit statue na. Jeezuz, what’s the point? Nakakapag-isip ako pero hindi makapagsalita.”

Mangha si Monica. Naririnig niya ang sinasabi ni Jake sa isip.

“Jake, nasasagap ko ang sinasabi mo! Puwede pa rin tayong mag-usap mentally, sa diwa!”

Nabuhayan ng loob si Jake. “N-nasasagap ko rin ng sinasabi mo sa isip, Monica! Oh my God!”

Alam na rin ni Jake na bilang buhay na estatwa, sila ay hindi nakakaramdam ng uhaw at gutom.

“Pero tayo’y makakaranas ng pagod. Aantukin tayo, Jake, makakatulog sa ganitong kalagayan.”

Itinanong ni Mo­nica kung paanong napunta rin sa ilalim ng butas na lupa si Jake.

“Monica, tinatakpan na ng taga-munisipyo ang butas, hindi ko maatim na hindi alamin ang nangyari sa iyo. Kaya tumalon din ako…”

Napaluha na naman si Monica. “Ganoon mo ako kamahal, Jake?”

“Forever,” sagot ni Jake.

SA IBABAW ng butas na lupa, tapos na sa paglalagay ng kongretong takip ang engineering team ng munisipyo.

Ang doktorang kasama ni Jake sa isla ay nanlumo. “Malili­bing na rin nang buhay si Jake, gaya ni Monica.”

Nagbalik na sa ba­yan ang doktora, iniisip pa kung dudulog sa mayor.

Hindi siya makapaniwala sa nakita sa lansangan. “Si Jake! Paanong napunta rito si Jake?”

 (ITUTULOY)

 

 

 

vuukle comment

AANTUKIN

ALAM

GANOON

ITINANONG

JAKE

MONICA

PAREHO

SI JAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with