^

Para Malibang

‘The Kiss’ (25)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“SI SAM ang una mong papatayin, Natalie…dahil siya ang banta sa ating dalawa,” bulong ng misteryosong dayuhan. Nakatanaw pa rin sila sa crescent moon, sa labas ng guho ng lumang simbahan.

Hindi umepekto kay Natalie ang sabi ng lalaki; nanatiling blangko ang tingin ng dalagang muling nabuhay makaraan ang isang dekada.

“Kapag nahalikan na kita sa pagbibilog ng buwan, makapagsasalita ka na—tulad ko.”

Tumingin lamang si Natalie sa lalaki, walang makitang damdamin sa mukha.  Hindi ito normal na buhay; si Natalie ay abnormal na patay.

“Ako nga pala si Vincento, Natalie. Vincento ng Transylvania, pook ng mga…walang kamatayang alagad ng dilim.”

Niyakap ni Vincento mula sa likuran si Natalie, sinuyo-suyo ng mga labi ang leeg at pisngi ng dalaga.

Kumawala sa yakap si Natalie.

 Lumakad palabas ng guho.

“Natalie, sasamahan kita.”

Sa malamlam na liwanag ng kapiranggot na buwan, sina Vincento at Natalie ay namasyal sa gulod.

Nagsalimbayan ang mga paniki, tila ipinagbubunyi ang pagsasama ng dalawang kakaibang nilalang.

“Mga kakampi natin ang paniki at iba pang alagad ng dilim, Natalie.”

May mga sumugod sa kanila. Si Vincento ang target.

PAK-PAK-PAKK. Ingay ito ng mga kamay ng dayuhan; ipinagtanggol ni Vincento ang sarili laban sa malalaking lamok.

Ito rin ang mga lamok na umatake sa kanya habang siya’y walang anumang saplot. “Tigilan n’yo ako! Tigil!”

PAK-PAK-PAKK. Kaydaming napatay na lamok ni Vincento; ang dugo niyang sinipsip ng mga ito ay sumambulat sa kanyang mga palad.

“Natalie, hindi natin kakampi ang mga lamok dito,” inis na deklara ni Vincento habang pinapahid ang dugo.

Si Natalie ay hindi man lang kinagat ng lamok, ewan kumbakit. Siguro’y dahil hindi normal na buhay ang dalaga; si Vincento ay may dugo at laman ng isang tao na walang kamatayan.

“Vampire.  Iyon ang tawag sa akin at sa mga kalahi ko sa Transylvania, Natalie.” Inilitaw ni Vincento ang mga pangil. ITUTULOY

vuukle comment

INGAY

INILITAW

NATALIE

SI NATALIE

SI VINCENTO

TRANSYLVANIA

VINCENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with