^

Para Malibang

Muntik ma-develop sa boss

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

I’m Jerry, 31,binata  at nagtatrabaho ako sa isang techno park sa Luzon. Mayroon akong boss si Ms. Ghie,  40, dalaga siya kaya lang napag-iwanan na ng panahon.  Naging magkaibigan at close kami  ni Ms. Ghie. Nagsimula ito sa pagsasabay namin mag-lunch kapag break time. Hindi ko akalain na isang araw ay magpapakita siya sa akin ng motibo. Bigla na lang niya akong hinipuan sa  maselang bahagi ng aking katawan. Hindi ko naman ito masyadong pinansin para hindi ako mailang sa kanya. Minsan, isang araw ay sinubukan kong haplusin ang kanyang mukha at buhok at hindi naman siya uma­ngal. Hindi ko alam kung sasamantalahin ko ang pagkakataong ‘yun, ngunit sa totoo lang ay gusto ko ng gawin ang naglalaro sa aking imahinasyon. Ngunit alam niyang may gf na ako at malapit na kaming ikasal. Gusto ko din siya ngunit napakalayo ng aming agwat at naiisip ko din na masasaktan ko ang aking gf. Anong dapat kong gawin?

Dear Jerry,

Kung talagang mahal mo ang iyong gf, mas mabuting iwasan mo na ang boss mo. Dahil hindi imposibleng ma-develop ang feelings ninyo sa isa’t isa lalo na at alam ninyo sa inyong mga sarili ang score ninyong dalawa. Masasaktan mo rin ang iyong boss kapag nalaman niyang magpapakasal ka na. Hindi rin malayong makaapekto ito sa iyong trabaho lalo na kung ang tipo ng iyong boss ay mapaghiganti. Kung sa tingin mo naman ay mahal mo na si Ghie, bakit hindi mo kausapin ang iyong gf at magkaroon ka ng clean break-up sa kanya.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

ANONG

BIGLA

DAHIL

DEAR JERRY

DEAR VANEZZA

GHIE

LUZON

MS. GHIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with