^

Para Malibang

Mas bata ang bf

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako si Bing, 46 years old at 5 years ng biyuda. Namatay sa sakit ang mister ko at wala kaming naging anak. Buy and sell ng kung anu-anong kalakal ang pinasok kong trabaho at sinuwerte naman ako sa hanapbuhay kong ito. Hanggang sa nakapasok ako sa mga real state business na nagpayaman sa akin. Tuwing weekend ay naging pinakalibangan ko ang ballroom dancing. Dito ko nakilala si Mandy, 26 years old, isang dance instructor. Niligawan niya ako at sinagot ko siya. Parang nagbago at mas naging  makulay ang aking mundo. Ngayo’y maligaya ako sa aming relasyon. Ang problema ko ay ang aking mga kapatid at ibang kaanak na tutol sa aming relasyon. Kinukuwartahan lang daw ako ni Mandy. Nasasaktan ako dahil mahal ko siya. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Bing,

Sa edad mo ay malawak na ang iyong karanasan sa buhay at alam mo na ang masama at mabuti. Sa buhay ng tao, may mga bagay na nagpapaligaya sa atin pero lumilikha naman ng masamang impresyon sa mata ng ibang tao. Kapag may ginawa kang ano mang bagay, may kaakibat na consequence na dapat mong tanggapin. Sa kaso mo, mukhang ‘di maganda ang komento ng iyong mga kaanak. Pero kung binata ang bf mo at ikaw naman ay biyuda na ay walang hadlang kahit magpakasal pa kayo. Mas mabuti nga kung magpakasal kayo para maging legal ang lahat. Pero mag-iingat ka rin dahil bata ang bf mo at posibeng makakita siya ng kanyang katapat na mas bagay sa kanya at bitawan ka niya pagdating ng araw. Ibig sabihin, ihanda mo ang iyong sarili sa ano mang maaaring maganap. Hindi maiaalis sa isip ng tao na sa agwat ng inyong edad ay posibleng gusto ka lang gawing gatasan ng iyong bf. Pero buhay mo iyan kaya malaya kang gawin ang gusto mo basta’t wala kang pineperwisyong iba.

 

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

AKO

ANO

DEAR BING

DEAR VANEZZA

DITO

HANGGANG

IBIG

KAPAG

KINUKUWARTAHAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with