^

Pang Movies

Martin Nievera, forever Kapamilya na

Salve V. Asis - Pang-masa
Martin Nievera, forever Kapamilya na

MANILA, Philippines — Mas pinatibay ni Martin Nievera ang ugnayan sa ABS-CBN, ang kanyang itinuturing na tahanan sa loob ng 37 taon, nang pirmahan niya ang kanyang panibagong kontrata sa kumpanya noong Linggo (Mayo 19).

“I was Kapamilya when we used to call this the Sarimanok station. Before the word was ever used, I was already Kapamilya. You had me at hello. Just like finding the right girl in your life, I found my right home. There’s no place else to go but home,” ani Martin.

Kinilala rin niya ang mga taong nasa likod ng kanyang tagumpay sa loob ng 42 na taon sa showbiz industry.

Ibinahagi rin ni Martin na nais niyang makipag-collaborate sa bagong henerasyon ng mga artist, kung saan aniya ay marami siyang matututunan na bagong techniques sa pag-perform.

Nakatakda rin siyang bumalik sa Big Dome para sa kanyang 42nd anniversary concert at nagha­handa na rin para sa ASAP Natin ‘To sa California.

Dumalo sa contract signing ang ABS-CBN exe­cutives na sina chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, COO Cory Vidanes, at CFO Rick Tan Jr. Kasama rin sina Erik Santos, Darren Espanto, KZ Tandingan, at Bamboo na inawit ang mga hits ni Martin.

Kilala bilang Concert King of the Phi­lippines, malaki ang naging kontribusyon niya sa Philippine Pop Culture dahil sa kanyang iba’t ibang sold-out local at international concerts at pagiging multi-awarded singer-songwriter sa likod ng timeless OPM hits tulad ng Say That You Love Me, Ikaw Ang Lahat Sa Akin, Maging Sino Ka Man, at iba pa. 

Isa rin siya sa mga orihinal na host ng longest-running musical variety show na ASAP, kung saan naimbento niya noong 1995.

Bianca at Robi, todo pasasalamat sa pagbabu ng The Voice...

Hinirang bilang grand champion ng The Voice Teens Season 3 ang singing kontesera ng Bukidnon na si Jillian Pamat ng Kamp Kawayan sa katatapos lang na live Final Showdown nitong Sabado at Linggo (May 18–19).

Ipinamalas ni Jillian ang kanyang husay sa kanyang final performances, kabilang ang kanyang duet act ng Tatsulok kasama si Coach Bamboo, rendisyon ng Sarah Geronimo hit na Ikot-Ikot, at ballad twist ng 1994 rock classic Tag-Ulan.

Matapos nito ay itinanghal siyang kampeon nang makahakot ng pinakamataas na audience votes with 53.09%.

Sumunod sa kanya ang MarTeam hopeful na si Steph Lacuata na may 24.99% at third naman ang Team Supreme artist na si Yen Victoria na nakakuha ng 21.91%.

Labis ang pasasalamat ni Jillian sa mga sumuporta sa kanyang The Voice Teens journey.

 Samantala, pinuri naman ni Coach Bamboo si Jillian at sinabing karapat-dapat siyang tanghaling kampeon ng kumpetisyon.

“I expected it because she put the work in. Gusto ko rin sabihin na maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa kanya. She’s a very deserving champion. I have such a talented and beautiful spirit here with me. I’m forever thankful for her and this moment,” saad niya.

Nakatanggap din si Bamboo ng special recognition mula sa The Voice Philippines bilang isa sa mainstay coa­ches ng reality singing competition magmula 2013.

Bilang grand champion, mag-uuwi si Jillian ng recording at management contract mula sa Universal Music Group (UMG) Philippines, pati P1 milyon mula naman sa ABS-CBN Studios. 

 Matapos ang 10 season, nakadiskubre at nakapagprodyus ng world-class Pinoy singers ang ABS-CBN adaptation ng The Voice, kung saan nakilala sina Lyca Gairanod, Darren Espanto, JK Labajo, Elha Nympha, Kyle Echarri, Mitoy Yonting, Jason Dy, Klarisse de Guzman, Morissette Amon, Moira dela Torre, at iba pa.

Lubos ding nagpasalamat ang hosts nito na sina Robi Domingo at Bianca Gonzalez sa mga bumubuo ng programa, mula sa staff, dating coaches nitong sina Sarah Geronimo, Lea Salonga, Apl.de.ap, at Sharon Cuneta, pati mga nagdaan nitong host na sina Luis Manzano, Alex and Toni Gonzaga, Yeng Constantino, at Kim Chiu. 

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with