^

Pang Movies

Kapuso Star, pipirma ng kontrata sa Kapamilya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Na-blind item ang isang big star na pipirma sa ABS-CBN. Ang nakasulat lang na clue ay “Pagkatapos ng mahabang panahon, isang malaking bituin ang pipirma sa ABS-CBN! Abangan!!!”

Hindi sinabi sa clue kung babae o lalake ba ang big star ito. Hindi rin tinukoy kung Kapuso talent siya o Kapatid, pero may mga hula na ang netizens. Ang hula nila ay Kapuso talent ito at matagal na ring naba-blind item na aalis na sa GMA Network para lumipat sa ABS-CBN.

May nagsabi namang aktor ang lilipat sa ABS-CBN, Kapuso aktor siya, kaya lang, parang walang rason para siya’y lumipat dahil may kontrata pa siya sa GMA.

Payo ng netizens sa mga nanghuhula, hintayin na lang na pumirma ng kontrata sa ABS-CBN ang naba-blind item at doon malalaman kung tama sila.

Hindi naman siguro magiging dahilan para muling uminit ang network war between ABS-CBN and GMA Network sa paglipat ng Kapuso talent na ito para maging Kapamilya. Malakas kasi ngayon ang collaboration power ng dalawang network, lalo na at magku-collab ang Star Cinema at GMA Pictures sa second movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Again.

David, pinaaamin sa girlfriend!

Sa Tagaytay City nag-celebrate ng kanilang 7th anniversary sina Barbie Forteza at Jak Roberto kaya swak ang caption ni Jak sa post niyang “Food, Travel & You.”

Ang saya lang na marami ang bumati sa kanila at dahil limited ang puwedeng makapag-comment, walang epal at basher na nakapasok.

Hindi pa nasira ang mood ng magdyowa.

Totoo namang hindi pa rin masisira ang love team nina Barbie at David Licauco kahit pareho na silang taken dahil iba naman ang trabaho sa personal.

Ang wish lang ng fans, maging open na rin si David sa relasyon niya sa girlfriend para hindi na umasa ang ilang BarDa fans na maging real ang reel love team nila.

The Voice, naka-isang dekada sa ABS

Hindi napigilang maging emosyonal ni Robi Domingo sa tuluyan nang matatapos ang The Voice PH sa ABS-CBN.

After 10 years, kinumpirma na ng mga host kabilang nga siya na after its last season, hindi na muling mapapanood ang nasabing programa.

Nagpasalamat ang mga host sa 10 years na pinagkatiwala sa ABS-CBN ang franchise ng The Voice PH na nagsimula noon pang 2013. Pati ang naging coaches sa kids, teens at adult edition ay pinasalamatan nina Robi at Bianca Gonzalez.

Hindi rin nila nakalimutang pasalamatan ang mga naging host ng show na sina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Yeng Constantino, Kim Chiu at Luis Manzano.

 Sa GMA 7 na mapapanood ang The Voice Kids this year at may audition na nga para rito. Malalaman kung pati ang teens adult edition ng The Voice ay sa GMA 7 na rin ang airing.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with