^

Pang Movies

Matagal nang usap-usapan... Ria, totoong tatlong buwang buntis

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Matagal nang usap-usapan... Ria, totoong tatlong buwang buntis
Ria

Bago pa man ikasal sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde nitong March 23 ay mainit nang pinag-uusapan na preggy na ang aktres sa kanilang first baby. Pero so far, hanggang ngayon na mag-asawa na sila ay wala pa naman tayong naririnig na kumpirmasyon (or denial) mula sa kanilang dalawa.

Sa Cristy Ferminute program ni Cristy Fermin sa One Ph, Radyo5 at Cignal Play ngayong araw ay ibinalita niya na ayon sa kanyang source ay 3 buwan nang buntis si Ria.

“Tungkol po du’n sa pagdadalang-tao ni Ria Atayde, mas maganda po kung diretso nating maririnig ang pag-amin mula sa mag-asawa o kaya ay sa kani-kanilang pamilya,” simula ni Nay Cristy.

“Pero may source po kami na nagsabi na tatlong buwan na raw pong nagdadalang-tao ngayon si Ria Atayde na talaga namang ikinatutuwa ng magkabilang pamilya Marudo at Atayde,” patuloy niya.

If true ay magandang balita ito and sure kaming isa sa unang pinakamasaya ay si Sylvia Sanchez na noon pa sinasabing gusto na niyang magkaroon ng apo.

Anyway, wait na lang tayo ng kanilang announcement na for sure ay gagawin nila sakali ngang totoo ang tsismis.

Maymay, kinumpirma ang breakup kay Aaron!

Nagbigay agad ng paglilinaw si Maymay Entrata sa kanyang statement na “I took the wrong path” matapos maghinala ang ilang netizens na may kinalaman ito sa foreigner ex-boyfriend ng aktres na si Aaron Haskell.

Last Sunday kasi ay nag-post si Maymay ng larawan at videos ng ginanap na “baptismal” sa kanya as a Christian at sa caption ay inilahad niya na namali siya ng landas noong 2021.

“I’ve been a Christian since 2015, got lost when I entered the industry, was invited and attended favor church last 2019, took the wrong path again (2021) not until 2023, when I slowly came back to Him,” ang statement ni Maymay.

May mga naghinala agad na ang tinutukoy niya na pagkakamali ay ang dating dyowa.

Kaya naman nilinaw agad ng dalaga na hindi si Aaron ang kanyang tinutukoy kundi ang kanyang trauma na pinagdaanan.

“Hello po sa lahat, gusto ko lang po mag explain ng konti about dun sa last post ko sa IG. ‘I took a wrong path again nung 2021’ it was my past trauma po. I was hurt and so I hurt other people even the people I love,” tweet ni Maymay sa X (dating Twitter).

Kasunod nito ay nakiusap ang aktres sa netizens na maging ‘kind’ kay Aaron.

“I’m asking lang po sana to be kind especially po from my past relationship (Aaron). Do not take this against him. From the bottom of my heart maraming salamat po,” aniya.

Matatandaang taong 2021 nang makilala ni Maymay ang ex-boyfriend. Isinapubliko niya ang kanilang relasyon noong 2022. Nitong nakaraang Marso ay marami ang nakapansin na nag-unfollow sa isa’t isa ang dalawa creating speculations na hiwalay na sila.

At sa latest tweet nga ni Maymay, she mentioned Aaron as her past relationship which is a confirmation from her na talagang break na sila.

vuukle comment

RIA ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with