^

Pang Movies

Pulitiko ginawang movie producer ang bagman

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Bagaman ng isang pulitiko na ngayon ay nasa government service ang isang taong malapit dati sa asawa niyang na­ging politician din.

Ang bagman niya ang humahawak ng pera ng government officer pati na kung sino ang bibigyan at saan ang gagawing investment nito.

Paminsan-minsan ay sumososyo rin siya sa movies na pino-produce ng ka­kilala. Pero ang bagman niya ang front pagdating sa gastos.

Eh hindi naman ganoon kayaman ang bagman niya upang ipakilala na isang movie producer. Kaya marami ang nagtataka kung kaninong pera ang ginagastos ng bagman.

At least, nakatutulong si government officer na mabigyan ng trabaho ang workers sa film industry, huh!

Wally, walang paki sa kumpetisyon

Tuloy lang ang trabaho ni Jose Manalo kahit buhay muli ang laban ng Eat Bulaga at It’s Showtime.

Isa sa atraksiyon ng Bulaga ng tandem nina Jose at Wally Bayola. Kaya naman tuloy lang ang ginagawa nila sa show kahit tapatan uli sila ng dating kalaban.

“Ang importante, may trabaho lahat. Ganyan talaga sa larangan ng TV. Hindi nawawala ang kumpetisyon,” sabi ni Jose nang makausap namin sandali.

Ngayong Mahal na Araw, trabaho at bakasyon ang gagawin nina Jose at Wally dahil concert tour nila sa Canada – Vancouver sa March 27; Calgary sa March 30 at Saskatoon sa March 31.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with