^

Pang Movies

Sarah, planado ang movie comeback!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nang-iimbita sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo sa gaganaping Green Market sa kanilang G Studios from March 23 and 24.

Hyper na hyper si Sarah na sinabing kain ng gulay at “I love gulay.”

Dagdag ni Matteo, hindi lang gulay, kundi lahat ng plant-based food ang mabibili sa Green Market.

Sabi pa ni Matteo, “Sarah will be cooking” at masaya na ibinalita ni Sarah na may sarili silang booth to sell plant-based products.

Anyway, may nag-request sa kanya to be more active sa social media, naging active lang siya nitong huli nang manawagan ng #JusticeForKillua. Sana raw, dalas-dalasan nito ang mag-update sa kanyang socmed .

Sa Instagram lang daw ng Viva Artists Agency sila nakakabalita ng mga ganap niya, gaya ng concert nila ni Bamboo sa Qatar (April 11) at Dubai (April 14). May nabalita pang baka may gawin siyang pelikula to be directed by Mikhail Red.

Kuya Kim, inintriga sa pinatay na aso!

Hindi alam ng basher na fur dad si Kim Atienza at fur parents sila ng wifey niyang si Felicia ng maraming aso. Napanood namin sa interview sa kanya na iba ang aso nila sa loob ng bahay at sa labas ng bahay. Sana tama kami na may 15 to 25 dogs sila sa loob ng bahay, kaya may rason siyang makisawsaw sa isyu ni Killua.

Nadiskubre naming may mga basher siya dahil kinantyawan siyang kawawa dahil iniwan ang It’s Showtime na hindi alam na lilipat ang show ng ABS-CBN sa GMA 7. Mapapanood na nga ang IS simula April 6.

Balik ng fans niya, paano raw ito naging kawawa kung mayroon siyang three shows sa GMA 7? Inisa-isa nga nito ang shows niya na TiktoClock, Dapat Alam Mo at may segment sa 24 Oras.

Coco, hinanapan ng birthday shoutout kay Julia!

Hinanap ng fans sa Instagram ang birthday greetings ni Coco Martin kay Julia Montes na nag-celebrate ng kanyang 29th birthday noong March 19.

Bakit daw hindi man lang ito nag-post ng kanyang birthday greetings kay Julia? Si Julia raw, tuwing birthday niya laging may birthday greetings sa kanyang IG at may kasama pang photo ng aktor.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with