^

Pang Movies

Daniel, mga aso’t pusa ang kasama sa birthday celeb

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Daniel, mga aso�t pusa ang kasama sa birthday celeb
Daniel

Malayo sa malaking selebrasyon ang naging birthday celebration ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla sa kanyang 29th birthday.

Napili niyang venue ang dog and cat shelter na ito sa Brgy. Arenas sa Arayat, Pampanga.

Present ang kanyang fans and supporters at ilang kaibigan at kaanak tulad ng pinsang si Jordan Lim.

Nagtulung-tulong na paliguan at pakainin ang mga hayop at bigyan ng pag-aaruga.

Nasa higit 90 dogs at 50 cats ang nakasilong dito sa shelter na ito na karamihan ay abandoned at neglected mula Quezon City, Manila at Novaliches pounding areas.

At sa pagbisita niya, handog niya ang dog and cat foods and treats at pinagawan niya ng bubong at cages ang mga pusa.

“Hindi ko akalain, kasi wala naman kaming as in donor. Wala talaga... hindi ko akalain na mapipili niya kami” sey ni Gemma Omongos, pet rescuer at may-ari ng shelter.

May bitbit din na vet team si Daniel na nag-neuter ng mga aso at pusa.

“Parang ang tao magiging very aware sa how to be a responsible owner... Worthwhile itong activity lalo na coming from a sikat na artista in the name of Daniel Padilla,” ayon kay Dr. Jessie Villaroman.

Malapit sa puso ni Daniel ang mga aso at pusa dahil may mga sarili rin siyang mga alaga sa bahay.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with