^

Pang Movies

Julia, tinuruan ni Joshua na alagaan si Gerald!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Julia, tinuruan ni Joshua na alagaan si Gerald!
Julia

Matapos ang hiwalayan nina Joshua Garcia, aminado si Julia Barretto na na natutunan na raw niya kung paano i-manage ang sumunod niyang relasyon na as we all know ay si Gerald Anderson.

Noong time raw kasi nila ni Joshua ay naging open sila sa publiko at dahil nga magka-loveteam din sila onscreen, marami rin ang nakialam.

“May say lahat. But we were young, okay lang. And then you learn how to take care of your next one,” sey ng aktres sa latest interview niya sa Toni Talks vlog ni Toni Gonzaga.

Isa nga raw sa mga natutunan niya ay kung paano protektahan ang isang relationship.

“No. 1, basic, don’t overshare. Be protective of your partnership. Don’t let everybody in. An then, young 2nd siguro is don’t be possessive over a person. Just be partner. Be a supportive partner. Hindi siya ownership pala.

“Kasi when you’re in a relationship with your love team, you feel like you own each other in the relationship and then, even at work. So, parang you both probably don’t feel like you can fly or explore,” mahabang paliwanag ni Julia.

Isa nga rin sa napag-usapan nila ang kontrobersiyang pinagdaanan ng aktres noong 2019 na hindi na binanggit kung ano pero obvious na ito ‘yung time na napagbintangan si Julia na third party sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. And at that time ay 22 years old lang daw siya.

Nang tanungin kung paano niya nga ito na-handle, sey ng akres ay hindi na rin daw niya alam kung paano.

Binanggit naman ni Toni na palaban daw talaga si Julia para makapag-post ng ganu’n.

“Talagang straight to the point ang pagkaka-address ni Julia,” ani Toni.

Marahil, ang tinutukoy ng TV host ay nang i-address ni Julia ang issue sa pamamagitan ng Instagram post at diretsong pinangalanan si Bea’t inakusahan ng bullying.

“I don’t know ate Tin if I did that for myself or did it for the people around me like the people who were really hurting for me,” she said.

Pero inamin naman niyang naka-cause siya ng pain sa ibang tao.

“Personally, I am sure that I had a role in somebody else’s pain, in other people’s pains in the same way that they also have contributed to my pain but I think you know na okay ka na when you already acknowledge na you know, ‘baka I have a role in this. Baka may shortcomings din naman talaga ‘ko, baka I really did something that hurt somebody,’” she said.

Inamin din niyang talagang nasaktan siya nang sobra ng mga panahong ‘yun.

When asked kung ano ang naging role ni Gerald nu’ng time na ‘yun, ani Julia ay hindi pa raw sila that time kanya-kanya raw nilang pinagdaanan on their own ang intriga.

Nang naging sila na ay ibang intriga rin naman ang kanilang pinagdaanan at kinaya naman daw nila itong malampasan.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with