^

Pang Movies

Sunshine, mahusay na sa boxing!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sunshine, mahusay na sa boxing!
Sunshine Cruz

Usap-usapan pa rin ang kaseksihan ni Sunshine Cruz na rumampa sa kauna-unahang pagkakataon sa Fashion Week presentation ng isang garment manufacturer.

Suot ni Sunshine ang isang sexy set ng lingerie.

Pero tingnan ninyo dahil si Sunshine ang modelo noon hindi nagmukhang bastos ang presentation.

Siguro kung ang magsusuot nang ganoon ay ang tipo ng artistang bastusin, aywan lang kung ano ang kalalabasan.

Pero dahil si Sunshine nga iyon, malinis na image pa rin ang nakita ng mga tao.

Isa ok pa naman ang katawan ni Sunshine sa ngayon dahilnagwo-workout siya sa gym at nagbo-boxing pa.

Kaya nga may nagtanong sa kanya gusto ba niyang maging isang lady boxer, hindi naman daw sabi ni Sunshine kundi bahagi lamang iyon ng kanyang cardio exercise.

Pero kung mapapanod mo ang pagsasanay ni Sunshine, para bang pagka nasapak ka niya babagsak ka rin.

Bagay siya sa boxing para kung may manligaw sa kanya nang wala sa ayos, sapakin niya na kaagad.

Imbentor ng karaoke, maraming pinayaman bago namatay

Kaunting history muna tayo.

Alam ba ninyo ang imbentor na Japanese na si Shigeichi Negishi ang siyang naka-imbento ng Karaoke machine?

Na-rebolusyon ang music industry nang lumabas ang karaoke.

Noong araw sa mga music bar ang mga singer ay kumakanta lamang na ang accompaniment ay gitara o kaya ay piano, at ang mga mas professional, kuba na ang mga alalay sa pagdadala ng musical arrangements na tutugtugin ng banda sa kanilang mga concert shows.

Malaking ginhawa nang mauso ang minus one, at iyang karaoke.

Maging ang mga hindi naman professionals ay nahasa sa pagkanta nang magkaroon ng Karaoke machine.

Ang daming yumaman sa pag-gawa ng Karaoke.

Sa Quiapo lamang eh araw-araw ang daming binubuong mga karaoke machine, na inilalagay sa iba’t ibang lugar hinuhulugan ng limang piso at habang may pera ka maaari kang kumanta hanggang gusto mo.

Ang dami ring nakapagtayo ng mga karaoke bars at kumita nang malaki noong araw na nauso ang sing-along.

Pero ang nakaimbento noon na si Shigeichi Negeshi na kamakailan ay namatay na sa gulang na isang daan.

At hindi nakinabang sa lahat ng mga ginawa’t naipagbiling karaoke machine. Ang daming gumagawa eh, nagbabayad ba sila ng royalty sa imbentor?

Kung sabagay iyon ngang composer ng mga kantang ginagamit sa Karaoke eh hindi naman nasisingil ang lahat ng gumagamit ng kanilang mga ginawang kanta.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with