^

Pang Movies

Jason, nahirapang mag-abogado!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jason, nahirapang mag-abogado!
Jason at Knoa

Sobrang na-miss daw ni Jason Abalos ang pag-arte kaya kahit board member siya sa Nueva Ecija, tinanggap niya ang teleserye na Lilet Matias: Attorney-At-Law kunsaan isang abogado ang role niya.

Huli siyang napanood ay sa guest role niya sa Love Before Sunrise.

“Mahirap ang gumanap na isang abogado kasi hindi po gaya ng mga una kong ginagawa na labas na labas ‘yung emosyon. Dito, bilang abogado ka, wala ka dapat kinakampihan, dapat makita ng tao na neutral talaga, nandoon ka lang sa katotohanan, nandoon ka lang sa panig ng batas,” sey niya na kailangan ding mag-memorize ng mga batas.

Wala raw pinagkaiba ang pagganap niya bilang abogado sa ginagawa niya ngayon bilang board member.

Isa pa raw sa pinagkakaabalahan niya ay ang baby boy nila ni Vicki Rushton na si Knoa Alexander. Hindi raw siya napapagod na alagaan ito kahit na ga­ling pa siya sa trabaho.

Excited din daw umuwi ito agad after ng taping dahil gusto niyang maabutan ito na gising pa para makapaglaro sila.

Empoy, na-friendzone ni Analyn

No lovelife raw muna ang Kapuso actress na si Analyn Barro dahil mas gusto raw niyang mag-concentrate sa kanyang career. Goal daw niya ay makapag-ipon para makapagpatayo ng sarili niyang bahay.

“Dedma muna tayo sa mga nanliligaw. I want to have a house of my own someday. Parang treat ko na iyon sa parents ko. Para lang maipakita ko sa kanila na tama itong career na napili ko at na-achieve ko ‘yung goal sa showbiz,” sey niya na nasa cast ng Lilet Matias: Attorney-At-Law bilang isa sa kontrabida ni Jo Berry.

Kaya naman na-friendzone niya ang nababalitang nanliligaw sa kanya na si Empoy Marquez.

Justin Bieber, naka-tatlong life-size wax na sa Madame Tussauds Museum!

Binigyan ng ikatlong life-size wax replica ng Madame Tussauds si Justin Bieber para sa ika-30th birthday nito last March 1.

In-unveil sa Madame Tussauds Museum sa Hollywood Boulevard ang bagong wax statue ni Bieber na modeled sa 2021 music video niya na Peaches complete with a white beanie, ombre puffer jacket, neon-pink pants and sneakers.

Unang wax figure ni Bieber ay noong 2011 sa London museum noong kasikatan pa ng single niyang Baby at kuhang-kuha ang signature hair swoop niya.

Ang second wax figure ay dinisplay noong 2016 sa Las Vegas museum kunsaan shirtless si Bieber at kita ang tattoos nito sa katawan.

 

vuukle comment

JASON ABALOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with