^

Pang Movies

Action star, nabubuhay pa sa nakaraan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nasa time loop pa ang isang senior action star dahil pag dumadalo siya sa isang event, ‘yung da­ting porma niya noon eh ‘yun pa rin ang porma niya, huh!

Mabuti sana kung bata-bata pa ang hitsura niya. Kaso, kita na ang mga pelegis sa kanyang mukha at parang tuyot na ang kutis!

Kasi naman, nakasuot pa siya ng leather jacket at may madilim na sun­glasses pa eh enclosed naman ang venue at hindi outdoor, huh!

Mabuti pa ang isang senior action star na simple lang ang dating lalo na’t may edad na rin siya. Kumbaga, hindi siya astig-astig pa na parang panahon pa niya!

Bonggang Villa, may bagong character

Ngayong January na pala ang telecast ng pagbabalik sa sitcom na Jose and Maria’s Bonggang Villa ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Nakapag-taping na ang mag-asawa para sa second season ng sitcom. May pahulaan pa si Yan sa kanyang Face Book page na may bago raw silang makakasama sa sitcom.

Ang regulars ng sitcom ay sina Johnny Revilla, Sharmaine Buencamino, Pekto Nacua, Pinky Amador, Benjie Paras, Jo Marie, Hershey Neri at Lou Jude Gonzales.

Sino kaya ang bagong dagdag sa cast ng Jose and Maria’s Bonggang Villa 2.0?

Samantala, ang director raw na si Zig Dulay ng MMFF best picture na Firefly ang magiging director ng My Guardian Alien ni Marian na kapareha si Gabby Concepcion.

vuukle comment

DINGDONG

MARIAN

PEKTO NACUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with