^

Pang Movies

Baron, nilantad ang mga ginawang bisyo

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Baron, nilantad ang mga ginawang bisyo
Baron Geisler

Nagulat kami sa medyo throwback interview ni Baron Geisler sa TV kung saan inamin niya ang  pagiging alcoholic at drug dependent din. Ikinuwento niya kung ano ang mga problemang kanyang pinag­daanan dahil sa kanyang bisyo. Inamin din niyang may isang pagkakataon na binayaran niya ng isang milyong piso ang dinala sa kanyang droga.

May pagkakataon pa raw na lasing na lasing siya sa isang bar sa Angeles City kung saan siya naka­tira noon ay pinagkakagukuhan siya ng mga babae at hinalik-halikan. Dahil lasing nga rin, nakipaghalikan daw siya sa lahat.

Binigyan naman daw siya ng warning ng DJ ng bar na umalis na siya dahilang mga babaing nakahalikan niya ay may mga syota at masama na ang iniisip sa kanya. Sumunod naman daw siya at talagang paalis na pero paglabas niya sa bar inaabangan na siya. Talaga raw binugbog siya, at tapos hinampas pa ng basag na bote ang kanyang mukha.

Isinugod naman siya ng tumulong sa kanya sa emergency room ng pinaka-malapit na ospital at tinahi ang kanyang mukha, nang walang anaesthesia, hindi na kasi tatalab iyon dahil lasing nga siya kaya damang-dama daw niya ang sakit ng bawat tusok ng karayom sa kanyang mukha.

Tapos may serye pala siyang ginagawa noon, hindi maaaring mabitin ang taping, kaya sinabi na lang sa kuwento na naaksidente siya at kung ilang panahon ding laging may tapal ang kanyang mukha sa taping nila.

Ilang ulit na nagpa-rehab si Baron, at sinasabi niyang nangangako siyang hindi na siya uulit pero basta nagkaroon ng pagkakataon, hindi niya mapigil ang sarili niya sa paglalasing at pagbatak ng droga.

Hindi sinabi ni Baron kung papaano siya nasadlak sa ganoong bisyo, pero nang magsimulang mag-artista si Baron ay matino naman. Pero iyon ang problema kung minsan, alam ng mga nagtutulak ng droga na ang mga artista ay malaki ang kita kaya dinidikitan nila at siyang tinutulakan ng droga. May pera, may droga.

Hindi lang naman si Baron ang dumanas nang ganyan.

Mayroon nga matatanda na at walang-wala na pero sige pa rin ang batak ng droga, Kaya nga naging biruan pang basta daw nakita noon ang mga kaibigang nagdudurog din ang laging bati noon ay “mayroon ba tayo diyan.”

Teejay ‘di affected kahit kulelat sila sa MMFF

Ok lang kay Teejay Marquez kung kinakantyawan siya ang pelikula nila ang bottom holder o pinakawalang kita sa lahat ng 10 movies sa MMFF 2023.  “Para sa amin naman, pasalamat na nga lang kami at nakasali kami sa festival, naipalabas sa sine at kahit na papaano kumita pa. Maski naman siguro ang producers namin ay hindi naisip na ang pelikula namin ay magiging box office hit,” aniya.

“Hindi naman iyon isang malaking pelikula at alam naman namin na maliit ang market ng mga gay film sa Pilipinas. Wala pa namang naging hit na gay film sa atin, maliban siguro sa mga comedy na ginawa ni Mang Dolphy noong araw.”

Dagdag pa niya “Dito sa atin nagki-click ngayon ang mga BL, pero inilalabas lang ang mga iyon sa internet at kumikita dahil sa mga nakasingit na commercials.

“Siguro darating din ang time na matatanggap iyan ng moviegoers, siguro maaga lang ang pelikula namin sa tamang panahon. Saka hindi naman ako masyadong affected dahil hindi naman ako ang bida sa pelikula. Iyong BL series naman na ako ang bida na inilabas sa internet ay nag-click lahat.”

Gumanda na ang career ni Teejay nang makuha rin siyang artista sa Indonesia kung saan siya sumikat nang husto, pero naipit nga siya sa Pilipinas dahil sa pandemic kaya’t hindi siya nakabalik sa Indonesia para gawin ang dalawa pang pelikula at isang serye pa sana.

Pero sabi niya alam niya isang araw ay babalik pa rin siya sa Indonesia para ituloy doon ang kanyang career.

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with