^

Pang Movies

Parang happy fam... Sunshine at Cesar, nag-bonding sa Bali   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Parang happy fam... Sunshine at Cesar, nag-bonding sa Bali          

Magkasama palang nag-celebrate sina Sunshine Cruz at Cesar Montano ng 18th birthday ng bunso nilang si Cheska sa Bali, Indonesia. Ibinahagi ni Sunshine sa kanyang social media ang photos ng kanilang blended family at mga kaibigan ng saidcelebration.Kasama sa photos ang iba pa nilang anak na sina Sam at Angelina. Nag-post din ng photos si Sunshine na kasama si Cesar at ang partner nitong si Kath Angeles at kanilang anak, at celebrity friends na sina Leon Barretto at Kyle Echarri. Sa caption naka-tag si Chesca, isinulat na “Officially 18. We love you!”

Matatandaang last September, magkasama rin sina Sunshine at Cesar at ang kanilang blended family na ipinagdiwang naman ang birthday ni Angelina sa Manila,

Last year pa naging maayos muli ang relasyon nina Sunshine at Cesar para sa kanilang mga anak. Kaya naman thankful si Sunshine sa mga sumusuporta at nakakaunawa sa setup ng kanilang pamilya ni Cesar.

Sharon, gustong ipagdamot si Alden sa babae

Para kay Megastar Sharon Cuneta, sa interview sa kanya para sa 2023 Metro Manila Film Festival entry nila ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards, na Family of Two: A Mother and Son Story ang best Christmas wish niya kay Alden ay makahanap ang actor ng tamang babae. “What is my wish for Alden, is that all his heart’s desire are given to him. Because he deserves all the happiness that he really wants. He’s very giving. He has given so much… and he is a good boy, a good son, good na normal ha? I want Alden to end up with a girl na will deserve all his heart’s desires because he will love her. You know I want Alden to have the best of everything.”

Inamin ni Sharon na marami siyang itinuring na mga anak na nakasama sa mga project niya sa ABS-CBN, like nina Coco Martin, Julia Montes, Miles Ocampo, pero ang naging closeness niya kay Alden, iba nang magkasama sila sa movie, sa workshops pa raw lamang nila. Kahit daw ang mga anak ni Mega ay nagsabing para raw silang mag-ina talaga ng kanilang Kuya Alden. Kahit ang mga tao sa paligid nila ay nagsabing pareho sila ng interest, parehong mag-isip tungkol sa issues, tungkol sa pamilya nila. Pero nang tanungin si Sharon kung kailangan na nitong magka-girlfriend ngayon, sagot niya ay hindi na kailangan, pero kung gusto raw ni Alden ay madali lang dahil he’s very loving.

Marami nang nagsasabing napakaganda ng Family of Two: A Mother and Son Story na produced ng Cineko Productions na dinirek ni Nuel Naval mula sa script ni Mel del Rosario at isa sa 10 movies na mapapanood simula sa Dec. 25, 2023, in cinemas nationwide.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with