^

Pang Movies

Sunshine, pinalitan ni Claudine!

Gorgy Rula - Pang-masa
Sunshine, pinalitan ni Claudine!
Sunshine Cruz
STAR / File

MANILA, Philippines — Ngayong gabi na magsisimula ang Lovers/Liars na tinatampukan ni Claudine Barretto, kasama sina Lianne Valentin, Rob Gomez, Kimson Tan, Michelle Vito, Shaira Diaz, Yasser Mata at Polo Ravales.

Ang pagkakaalam namin, dapat ay kay Sunshine Cruz itong role na ginampanan ni Claudine, at kasama rin dapat si Mikee Quintos na mas malaki ang role.

Hindi lang namin alam kung bakit hindi sila natuloy. Pero medyo ipinihit ang kuwento para mas malaki na ang partisipasyon ni Claudine.

Tamang-tama naman, ang laki ng ipinayat ni Claudine na bumagay sa kanyang pagpayat ang mga sexy at medyo daring scenes na ipinagawa sa kanya.

Sabi ni Claudine sa nakaraang mediacon ng Lovers/Liars, ang training daw sa kanya nung nasa ABS-CBN pa siya at na-handle ng mga magagaling na direktor, sumunod lang siya sa kung ano ang hinihingi ng direktor.

Pero ang maganda lang sa pagpayat ni Claudine, nakapagbigay siya ng inspirasyon lalo na sa mga kababaihan na kaya naman bumalik ang dating ganda ng katawan, basta maging disiplinado lang.

Nag-intermittent diet si Claudine na talagang tinodo raw niya, hanggang sa nakasanayan niya. Sa halos apat na buwang ginagawa niya ito ay umabot ng 84 pounds ang nawala sa kanya.

Marco, malungkot ang pasko

Sa Dec. 1 na ang 20th anniversary concert ng grupong Hitmakers nina Rey Valera, Marco Sison, Hajji Alejandro at Nonoy Zuñiga, na pinamagatang Hitmakers XXCeptional concert na gaganapin sa The Theatre at Solaire.

Pagkatapos ng concert na ito ay bibigyan din ng oras ni Marco Sison ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang anak na si Marco Salvador na nagdadalamhati pa rin sa pagpanaw ng kanyang anak na si Andrei Sison.

Ito ang kauna-unahang Pasko na hindi na nila kasama ang kanyang apo, at malaking kakulangan daw ito sa kanila, lalo na’t biglaan itong nangyari kay Andrei.

Ang sabi ni Marco nang nakatsikahan namin sa mediacon ng naturang naturang concert, hanggang ngayon ay hindi pa rin daw talaga nakapag-move on ang kanyang anak sa pagpanaw ni Andrei.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with