International Film Industry Conference, nagbabalik sa ika-pitong edisyon
Patuloy ang pagsulong ng The Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa Philippine film industry sa pangangasiwa sa International Film Industry Conference (IFIC) na gaganapin sa Nov. 20 hanggang 21 sa pamamagitan ng in-person conference sa Novotel sa Quezon City na may simultaneous broadcast via Zoom.
Sa pakikipagsanib-puwersa sa QCinema International Film Festival and Full Circle Lab Philippines, patuloy na gumagawa ng daan ang 7th edition ng IFIC upang magkaroon ng ugnayan ang filmmakers, students, at seasoned professionals sa industry experts, at mapag-usapan ang latest trends, challenges, at opportunities na maaari nilang masiyasat para sa ikauunlad ng kanilang talento at proyekto.
Ang conference ngayong taon ay itatampok ang iba’t ibang hanay ng free public sessions tungkol sa makabuluhang paksa gaya ng film restoration, role ng social media sa film festival marketing, importansya ng post-production sa panahon ng streaming, kapangyarihan ng international co-production in Asia, at ang dynamics ng distribution sa sales agents at distributors.
Pangungunahan ng IFIC ang isang roundtable discussion kasama ang mga miyembro ng Asian Film Alliance Network para pag-usapan ang kahalagahan ng papel ng pagkakaisa at kolaborasyon sa loob ng Asian film communities upang maging tulay sa pagitan ng Philippine film industry at international market.
Ipinagmamalaki naman ni FDCP Chairman and CEO Tirso Cruz III ang pangunguna ng FDCP sa IFIC.
- Latest