^

Pang Movies

Beauty at Carla, nahirapang magkopyahan!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Galing na galing si Carla Abellana sa pagganap ni Beauty Gonzalez bilang ang kontrabidang si Farrah sa Stolen Life. 

Kaya kailangan daw gayahin ni Carla ang mga kilos ng buong katawan pati na facial expressions kapag may eksena na silang magpapalit ng kaluluwa sa pamamagitan ng astral projection.

“A lot of our scenes we do it not just once, twice, we do it over and over... mga ginagawa po niya kailangan ko rin pong gawin. To the point na position ng head, ng mata, ng braso, kailangan eksakto po. Mine-measure po namin ‘yun. Kaya sabi ko po kay Beauty huwag niya masyadong galingan para mahabol ako! Ang galing niya eh!” pagmamalaki pa ni Carla.

Inamin naman ni Beauty na challenge sa kanya ang mabibigat na eksena ni Carla na kailangan niya ring gawin. “Everytime she cries, sinasabi ko, bakit kamukha mo si Mama Mary? Teka lang muna paano ba ‘yan?” tawa pa niya.

Herlene, hindi na nasasaktan sa hipon

Inamin ni Herlene Budol na nasaktan siya noong bansagan siyang “Hipon Girl.” Hindi raw niya matanggap noon dahil parang hindi raw ginalang ang pagkatao niya. “Noong una po, nasaktan ako. Parang hindi naman deserve ng tumawag sa akin. Nagtatanong din ako sa sarili ko, ‘Ganoon ba ako kapangit?’” 

Pero ‘di raw nagtagal ay okey na kay Herlene na Hipon Girl siya dahil napagkakakitaan daw niya ito mula sa pagsali sa mga beauty contest at sa pagiging TV personality.

Ngayon daw ay “magandang dilag” na ang tawag sa kanya dahil sa pinagbidahan niyang top-rating GMA Afternoon Prime teleserye. “Natutunan ko rito noong tinatawag na akong Magandang Dilag, doon ko naramdaman ulit ‘yung respeto. Tapos ngayon, Hipon turned to Magandang Dilag, na-boost ulit ‘yung confidence ko na, puwede palang magbago ang isang bagay,” sey niya sa pasasalamat niya sa mga sumubaybay ng pinagbidahan niyang teleserye.

Grey’s Anatomy star, nawindang na Sexiest Man Alive 2023

Ang ‘80s heartthrob na si Patrick Dempsey ang hinirang na Sexiest Man Alive 2023 ng People magazine.

Ikinagulat niya ito na three decades na bilang aktor sa Hollywood. Nabigyan siya ng big break noong 1987 sa pelikulang Can’t Buy Me Love. 

Noong 2005, muling nabigyan ng bagong sigla ang career niya noong mapasama siya sa cast ng Grey’s Anatomy as Dr. Derek Shepherd a.k.a. McDreamy for 11 seasons.

Sa December ay mapapanood siya sa pelikulang Ferrari na tungkol sa buhay ng Italian race car driver na si Piero Taruffi. 

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with