^

Pang Movies

Ruru, proud sa nasungkit ni Bianca!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ruru, proud sa nasungkit ni Bianca!
Ruru Madrid at Bianca Umali

Proud na proud si Ruru Madrid sa pagkakasungkit ng girlfriend niyang si Bianca Umali ng Best Dramatic Actress award sa katatapos lang na Jinseo Arigato International Film Festival in Nagoya, Japan.

Nanalo si Bianca para sa performance niya sa pelikulang Mananambal na pinagbidahan nila ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor.

Sa Instagram post ni Ruru ay nagpaabot siya ng pagbati para sa dyowa at inihayag kung gaano siya ka-proud para kay Bianca.

“Mahal ko, congratulations on winning BEST DRAMATIC PERFORMANCE at the Jinseo Arigato International Film Festival for the movie Mananambal,” simulang mensahe ni Ruru.

“You deserve every bit of this recognition dahil sa ipinamalas mong husay at dedikasyon sa pelikulang ito. Sa kabila ng maraming pagsubok na hinarap mo, hindi ka nagpatalo at ngayon narito ka na, nagtatagumpay,” patuloy pa ng bida ng Black Rider.

Ayon pa sa aktor ay napakasarap sa kanyang puso ang tagumpay ng nobya at nagsisilbi rin itong inspiras­yon sa kanya para malampasan nila ang mga pagsubok.

“Napakasarap sa puso at sobrang proud ako sa’yo dahil alam ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo para magawa ang pelikulang ito. Salamat, dahil muli mo akong binigyan ng inspirasyon na kahit anong pagsubok ang dumating, kaya natin itong malampasan basta maniwala tayo sa ating mga sarili at patuloy na manalig sa ating Ama!” ani Ruru.

“I love you so much, Mahal ko! I’m so very proud of you.
Ikaw ang idol ko.  @bianxa,” pagtatapos na mensahe pa ng Kapuso actor sa GF.

Sumagot naman si Bianca at inahandog ang award kay Ruru.

“MAHAL NA MAHAL KITA!!!  this one is for you too. @rurumadrid8,” mensahe ni Bianca sa BF.

Moira, naka-2b streams sa Spotify!

Ang bongga ni Moira dela Torre dahil siya ang kauna-unahang Filipino solo artist na naka-hit ng 2 billion streams sa Spotify.

Proud na ibinagi ng OPM singer sa kanyang Instagram account ang latest milestone sa kanyang singing career.

“Today..... you guys made me the First Filipino Solo Artist and the First Filipina Artist to reach 2Billion streams on @spotify @spotifyph thank you. TWO BILLION TIMES THANK YOU,” ang pahayag ni Moira.

Unang inanunsyo ng allchartsPH ang tungkol dito sa social media pages nito na ini-repost din ni Moira.

“Moira dela Torre has now surpassed 2 BILLION STREAMS on Spotify across all credits. She becomes the first Filipino soloist, the first Filipino female artist, and the second Filipino artist overall to reach the milestone,” ang nakasaad sa announcement.

“Moira dela Torre joins Ben&Ben as the only OPM artists to surpass 2 billion streams on Spotify across all credits,” pahayag pa ng allchartsPH.

Abut-abot naman ang pagbati ng celebrities at kapwa OPM singers kay Moira sa comment section tulad nina Ogie Alcasid, Jhong Hilario, KC Concepcion, Marjorie Barretto, Kiana Valenciano, among others.

Ilan sa hit songs ni Moira ay Paubaya, Tagpuan, Malaya, Dito Ka Lang at marami pang iba.

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with