^

Pang Movies

Aksidente ni Michelle, fake news!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Dinenay ni Miss Universe Philippines Michelle Dee ang kumalat na fake news na naaksidente siya habang nasa El Salvador para i-represent ang Pilipinas sa 72nd Miss Universe. Sa X (dating Twitter), idinaan niya ang paglilinaw sa kumalat na fake news online.

“Idk where the rumor came from that I got into an accident but don’t believe it! we’re all good,” tweet niya.

Makikita nga naman sa mga video at reels na walang nangyaring aksidente sa kanya at nag-i-enjoy sa El Salvador kasama ang ibang kandidata. Nabalita nga na roommates sina Michelle at Miss Universe Indonesia Fabienne Nicole Groeneveld.

Jennylyn, absent na naman sa xmas ID ng Kapuso

Nagtatanong ang fans ni Jennylyn Mercado, bakit daw wala siya sa Christmas Station ID ng GMA Network? Pati ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila, tinatanong din ng fans ni Jennylyn kung bakit wala ang aktres sa CSID.

Wala pa siyang sagot at ang manager pero mukhang hindi naman ito isyu sa aktres. Tila ang fans lang niya ang may isyu.

Naging isyu ang absence niya dahil three years na raw siyang wala. Expected ng kanyang fans na this year, makikita na siya sa CSID dahil nga may series siya na for airing next year, pero wala pa rin siya.

Anyway, si Jennylyn ang kumanta ng theme song ng Love. Die. Repeat. series nila ni Xian Lim. Kaya lang, medyo matagal pa maririnig ang theme song dahil next year pa ang airing nila.

Heart, atras sa bardagulan ng fans!

Kasama ni Heart Evangelista ang husband niyang si Sen. Chiz Escudero sa Singapore para dumalo sa mga event niya sa Lion City, pero hindi umepal si Chiz. Hindi siya nakita sa mga event nito na for sure, kasama siya ng kanyang wifey.

Sa pag-iikot lang ni Heart sa Ion Orchard, isang luxury mall sa Singapore na si Heart ang ambassador nakita namin si Chiz. Pero sandali lang, parang nag-cameo lang siya, parang nadaanan lang ng camera.

Lumayo siya nang pagkaguluhan na si Heart sa rami nang nagpapa-picture at hinayaan ang mall security ang umalalay kay Heart. Makikita rin na hindi lang mga Pinoy ang nagkagulo at nagpa-picture kay Heart, mayroon ding ibang lahi na nagpakuha ng larawan sa kanya. Samantalang si Chiz, nakangiti lang habang pinagkakaguluhan ang misis niya.

vuukle comment

MICHELLE DEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with