^

Pang Movies

Shaira Diaz, paborito ng masamang espiritu!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Shaira Diaz, paborito ng masamang espiritu!
Shaira Diaz

Kinuwento ni Shaira Diaz na bata pa lang siya ay madalas na raw siyang dalawin ng mga kakaibang nilalang sa kanyang panaginip.

Hanggang sa kanyang paglaki, dala-dala raw niya ito, pero tila mas tumindi gaya nang nangyari noon sa taping ng Lolong. “Noong bata talaga ako, weird pero laging about sa mga demonyo, mga witch ‘yung mga panaginip ko, mga patayan. Hindi ko alam kung bakit lagi akong nag-i-sleep paralysis,” kuwento pa ng Unang Hirit host.

Ayon kay Shaira, mas nakararamdam din siya kaysa nakakakita. Kung minsan, may naririnig siyang tunog ng mga kubyertos, kahit wala namang nag-a-ayos ng mga ito sa paligid.

Isang beses noong nasa gubat ang lokasyon ng lock-in taping nila para sa Lolong, nakaranas din ng kababalaghan si Shaira.

Sa kinukunan nilang eksena sa isang liblib na lugar, kailangang sumigaw ni Shaira na parang galit. Dahil dito, tila sumagot sa kanyang panaginip ang isang elemento. “Kinagabihan na ‘yun, binangungot ako, may sumisigaw din sa akin parang entity siya na black na mabuhok. Sumisigaw siya, ‘yung sigaw niya ‘Aaahh!’ as in galit talaga. Tapos sinasakal ako. First time kong makita na may entity” sey ni Shaira.

Magmula nito, lagi nang nagpaparamdam ang elemento umano kay Shaira sa set ng Lolong. Paliwanag ng anthropologist na si Nestor Castro, ang Undin ay isang maliit na mukhang tao at basa-basa.

“Feeling ko sumunod siya sa kuwarto ko,” sey ni Shaira na tinulungan ng isang faith healer sa isang rituwal para lubayan na ang aktres ng Undin.

British comedian, kinasuhan ng panghahalay!

Kinasuhan for sexual assault ang British comedian and actor na si Russell Brand. May hinalay daw siyang babae habang sinu-shoot ang pelikulang Arthur sa New York noong 2010.

Na-file na ang kaso kay Brand sa New York State Supreme Court kunsaan ilang kababaihan din ang mag-file ng reklamo kay Brand for rape, sexual assault and psychological violence.

Ayon sa rep ni Brand, consensual daw ang nangyaring iyon between 2006 and 2013.

vuukle comment

SHAIRA DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with