^

Pang Movies

Pagbabawas ng kahirapan tututukan hanggang 2028 ng Marcos admin

Malou Escudero - Pang-masa
Pagbabawas ng kahirapan tututukan hanggang 2028 ng Marcos admin
Families go about with their day as they extend their space in front of their shanties along a road in Delpan, Tondo, Manila.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Mananatiling prayoridad ng administrasyong Marcos na mabawasan ng siyam na porsyento ang kahirapan bago bumaba sa puwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2028.

Ito ang tiniyak kahapon ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, isang araw matapos ang pagpapalabas ng self-rated poverty survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagpapakitang halos kalahati ng mga pamilyang Pilipino ang itinuturing na sila ay nabubuhay sa kahirapan.

Ipinunto ni Balicasan na ang survey ay isinagawa matapos ang sunud-sunod na bagyong tumama sa bansa na nakaapekto sa presyo ng mga panguna­hing bilihin.

“We note that the SWS September survey was conducted after a series of typhoons hit the country, which also affected food prices and directly impacted families who lacked the means to cope with the increase in prices,” ani Balisacan kaugnay sa SWS survey.

Idinagdag pa ni Balicasan na ang “poverty measures” ay base sa inflation lalo na ang presyo ng mga pangunahing bilihin at ang inflation noong Setyembre at mas mataas noong Hunyo.

“As we noted earlier, poverty measures based on respondents’ perceptions are sensitive to inflation, particularly for essential commodities. Food inflation in September was higher than in June this year due to the supply disruptions,” ani Balicasan.

Ayon pa sa hepe ng NEDA, ipinatutupad ng pamahalaan sa panandaliang panahon ang ilang hakbang upang mabigyan ng agarang tulong ang mga nangangailangan, kabilang na ang paglulunsad ng food stamp program, pagtanggal ng pass-through fee para sa mga sasakyang nagdadala ng mga kalakal, at ang pamamahagi. ng cash aid sa pamamagitan ng Rice Farmers Financial Assistance program, partikular na pinupuntirya ang pinakamahihirap na indibidwal.

vuukle comment

POVERTY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with