^

Pang Movies

NolI, mananakot!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
NolI, mananakot!
Noli De Castro

Paghahandaan ko ang mga panibagong kwento ng katatakutan sa ikalimang edisyon ng kanyang Undas special na Kababalaghan: Pagkagat ng Dilim ngayong Linggo (Oktubre 29) ni Kabayan Noli De Castro.

Itatampok ni Kabayan ang nakakatakot na kwento ng college student na si Precious Bianca “Prei” Capanan, na pinagmumultuhan ng isang doppelganger at mga espiritu ng umiiyak na bata at ginang na bumubulong sa kanyang tenga sa kanyang condo unit. Mga biktima umano ito ng isang marahas na krimen at naghahanap ng hustisya ayon kay Prei.

Ipapalabas din daw sa Kababalaghan ang istorya ng isang ginang mula sa Bulacan na patuloy na pinagsasamantalahan ng isang incubus, isang lalaking demonyo na hinihipo ang kanyang maselang bahagi ng katawan at hinuhubad ang kanyang salawal habang natutulog.

Kaloka, true ba ‘yun.

‘Thankful and grateful’

Uy ‘di naman true ang kuwentong nakaratay ako.

Inaamin ko namang may sakit ako, tinamaan ako ng matinding pneumonia, pero sa awa ng Diyos nalampasan ko ‘yun. Gumaling ako at pinauwi ng aking mga doctor na ipinaramdam kung gaano sila ka-concern sa akin.

Alam ko namang maraming nagbababu sa mundo dahil sa pneumonia, pero talaga sigurong babaeng pinagpala ako. Binigyan ng extension ng Diyos ang buhay ko.

At nakapagpakulay pa ako ng buhok sa Bambbi Fuentes Salon noong Lunes ng tanghali kahit itanong ninyo pa kay Kris na favorite ko sa Bambbi Fuentes.

Belat ng ugly fat ladies.

vuukle comment

NOLI DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with