^

Pang Movies

Marian, pahinga muna sa mga tuyong bulaklak?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Ginulat ni Dingdong Dantes ang wifey niyang si Marian Rivera nang umapir si Dingdong sa first ever TikTok Shop Philippines livestream ni Marian. Brand ambassador kasi si Dingdong ng Shopee at si Marian ay celebrity endorser na ng TikTok Philippines, magkaribal na e-commerce platform, sabagay, wala naman sigurong conflict ‘yun saka, mag-asawa naman sila.

Napansin din ng DongYan fans na mga brand na ini-endorse ni Marian ang present sa kanyang livestreaming.

Isa pang tanong ng fans, wala na ba ang Flora Vida by Marian, ‘yung home products lines niya dahil endorser na siya ng luxurious bedding, cozy mattresses, furniture, pillows, pillow cases, home decor na ino-offer din ng Flora Vida by Marian dati.

Ang wala lang ay ang dried flowers na unang in-offer ng Flora Vida by Marian, pero pati ‘yun parang nawala. Hopefully, dahil busy lang si Marian dahil nagsu-shooting sila ni Dingdong ng Metro Manila Film Festival entry nilang Rewind. Bukod dito, may taping din siya ng series sa GMA 7 na Against All Odds at busy rin sa mga endorsement.

Pelikula nina Julia at Alden, sinuportahan ng Kapamilya

Kabilang sa pangalang nabasa namin na dadalo o dumalo sa premiere ng Five Breakups and A Romance o FBAAR na ginawa kagabi sa SM Memagall ay sina Sharon Cuneta at Kathryn Bernardo. Dalawa lang sila sa more than 100 stars na inimbita sa premiere night.

Hindi nakakagulat kung dumating si Sharon dahil close siya kina Julia at Alden Richards at itinuturing niyang mga anak sa showbiz ang dalawa. Pinost pa nga ni Sharon ang poster ng FBAAR at pinaalalahanan ang kanyang fans na suportahan ang movie ng kanyang mga “anak” na showing na simula ngayong araw. Oct. 18.

Si Kathryn ay close kay Julia at si Alden ay nakasama niya sa pelikulang Hello, Love Goodbye. Saka, dumating sina Julia at Alden sa premiere night ng movie nina Kathryn at Dolly de Leon na A Very Good Girl, kaya hindi isyu ito.

Anyway, showing sa 210 cinemas ang FBAAR at baka madagdagan pa sa mga susunod na araw. Importante ang opening day dahil dito ibabase kung madadagdagan ba ang number of cinemas o babawasan, basta ang sabi ni Alden, masaya siya sa number of cinemas na showing ang movie nila nina Julia at Direk Irene Villamor.

Piolo at Dingdong, tig-dalawa ang pelikula sa MMFF!

Parehong may tig-dalawang pelikula sa 2023 MMFF sina Piolo Pascual at Dingdong Dantes pero, hindi magiging isyu dahil sa isang movie lang sila lead at sa isa ay special participation lang.

Gaya ni Piolo Pascual na official entry ang Mallari kung saan siya ang title role, may special role naman siya sa Gomburza na sina Dante Rivero, Cedrick Juan, at Enchong Dee ang mga bida.

Si Dingdong naman ay lead actor sa Rewind nila ni Marian Rivera, at may special participation sa Firefly na sina Alessandra de Rosi at Euwenn Mikaell ang mga bida kasama sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Max Collins at marami pa.

Ang sunod nating abangan ay kung alin sa 10 official entries ang susuportahan at panonoorin ng moviegoers come Dec. 25 at sa buong MMFF.

vuukle comment

DINGDONG

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with