^

Pang Movies

Sunshine, nasa plano na ang pag-aasawa!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pang-masa
Sunshine, nasa plano na ang pag-aasawa!
Sunshine
STAR/ File

Talagang diniretso agad ni Sunshine Cruz na fake news ang kuwento na nililigawan siya ngayon ni Vice Governor Marc Leviste ng Batangas.

At sa totoo lang daw ay hindi pa sila talagang magkakilala ng Vice Governor kaya lalong hindi iyon nanliligaw sa kanya.

“This is how I look today dahil wala akong iniisip, wala akong kunsumisyon. Isa pa, hindi ba mas tamang tingnan ko kung may magkakagusto sa akin not because of how I look kundi sa mga inner qualities ko? Kasi kung ang basehan natin ng relasyon ay kung ano lang ang hitsura ng isa’t isa, papaano kung magbago ka na, ‘di wala na,” umpisa niya.

“Hindi puwedeng emosyon lang ang basehan ng isang relasyon kasi what if the emotion is gone, magkakasawaan na kayo at maghihiwalay. I have learned na dapat kung mamahalin mo ang isang tao, mahalin mo pati ang mga bagay na hindi mo gusto sa kanya, it is only then na masasabi mong magkakaroon kayo ng isang perfect na relasyon. Sa ngayon wala pa akong nararamdamang ganyan,” paliwanag pa ni Sunshine.

But is she considering having a family again?

“Oo naman, even my children knows that. Actually ang mga bata nga ang mas interested pa eh. Sinasabi nila sa akin na it is ok if I want to get married again. Naiintindihan nila iyon. Pero ako nga ang ayaw, at kung maaari nga lang ang mga anak ko na lang ang kasama ko habang buhay, pero hindi naman puwede iyon because they too will have lives of their own at walang makakaawat niyan, so I must also think of having a future, pero hindi pa ngayon. Mahaba pa ang oras ko,” dagdag pang paliwanag ni Sunshine na hindi rin naman nababakante sa trabaho.

Kung si Mega takot... Gabby, ‘di pipigilan ang mga anak na manood ng concert nila ni Sharon

“Actually hindi naman kami magkaaway. Wala kaming reason para mag-away. Hindi kami nagkasundo noon, naghiwalay kami and that is enough. Wala nang ibang dapat na ungkatin pa,” kuwento ni Gabby Concepcion sa mga nag-interview sa kanya tungkol sa kasalukuyang ‘relasyon’ nila ni Sharon Cuneta.

“I think much has been said about us noon pa, may totoo, may hindi. Pero tahimik na ang aming buhay, pareho kaming may kanya-kanya nang buhay, may sarili nang pamilya. Si KC na lang ang common denominator namin, dahil hindi naman maikakaila na anak namin siya, and ako talaga, mahal ko si KC dahil siya ang aking panganay, siya ang ate ng lahat ng iba kong mga anak at natutuwa naman akong ginagampanan niya ang role na iyon. She is bridging the gap sa pamilya ko,” dagdag pa ng aktor.

Sinasabi ni Sharon na hindi manonood ng kanilang concert si Kiko Pangilinan at ang lahat ng mga anak nila. Ganoon din ba sa side ni Gabby?

“Doon siguro magkakaiba kami, if anyone of my children wants to go and watch ok lang sa akin, and I don’t think pagmumulan iyon ng kung ano pang trouble. In fact si KC yata is inviting her sisters to join her in watching the concert. Liberal ang pag-iisip ng mga anak ko, alam nila na ang binubuhay lang sa concert na iyon ay ang “love team. It is just the love team,” walang ibang pinag-uusapan diyan and I don’t think mayroong may malisyosong isip na mag-iisip pa ng kung ano.”

Teejay, may negosyong skincare products

Finally mailalabas na rin ang isang pelikula ng young male star na si Teejay Marquez, mukhang suwerte rin naman siya dahil nagsisimula na rin siya ng isang serye sa GMA 7 kung saan kontrabida siya ni Derrick Monasterio.

Kung tatanungin ang fans niya, naging blessing in disguise ang pandemic, dahil hindi nakabalik si Teejay sa Indonesia kung saan may naghihintay na dalawang pelikula at isang serye sa telebisyon doon para sa kanya. Matatandaang nang unang magpunta sa Indonesia si Teejay ay naging star siya sa telebisyon doon, sumikat nang todo at siguro kung hindi siya umuwi, nanatili siyang teenage superstar doon.

After the pandemic ay bumalik naman siya sa Indonesia pero dahil mahigit na dalawang taon siyang nawala, parang magsisimula siya ulit. Minabuti na niyang magbalik sa Pilipinas para dito asikasuhin ang kanyang career.

Naiintindihan din naman niya na lugmok ang industriya sa ngayon, kaya sinasabayan niya ng negosyo para naman maging matatag ang kanyang kabuhayan.

Ang negosyo niya ngayon ay beauty at skincare products na tinawag niyang GoodSkin. Sa kuwento niya sa ngayon ay online lang ang kanilang sales, pero early next year magsisimula na silang maglagay ng stores sa malls, dahil by that time naniniwala siyang kilala na rin ang produkto.

Iyan ang tama, habang bata ay magsikap para pagdating ng panahon ay hindi kawawa.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with