^

Pang Movies

Content creator na si Toni Fowler, pabara ang sagot sa mga nagdemandang kapwa influencer!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Content creator na si Toni Fowler, pabara ang sagot sa mga nagdemandang kapwa influencer!
Toni
STAR/ File

Sinagot ng content creator/social media influencer na si Toni Fowler ang criminal case na isinampa sa kanya ng Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI).

Sa kanyang official statement na ipinost sa Facebook ay isa-isang in-address ni Toni ang mga reklamo sa kanya ng naturang organisasyon.

“Noong Miyerkules, opisyal na isinampa ng KSMBPI ang kaso laban sa akin dahil daw sa paglabag ko sa Cybercrime Prevention Act of 2012. Ayon sa kanila, nilabag ko ang batas dahil sa tema ng aking kantang MPL, kasama ang mga napanood nila sa music video nito.

“Ayon din sa kanilang media interview, kab*stusan ang kanta pati na rin ang mga “s3x organs” na ipinakita ko daw sa music video,” simula niya.

Para sa KSMBPI, nais kong punahin at sagutin ang kasinungalingan ninyo sa media.

Paliwanag ni Toni, hindi raw sex organs ang kanyang ipinakita kundi sex toys.

“Una, Hindi ako nagpakita ng s3x organs kung hindi s3x toys, linawin po ninyo iyan. Hindi ko kayo masisisi kung epekto na ng inyong katandaan ang pagkakaroon ng malabong mata, pero huwag po tayong magsisinungaling lalo na’t krimiinal ang ikinakaso ninyo laban sa akin,” simula niya.

“Ikalawa, gaya ng kalayaan ninyong tawagin akong b@stos, m@laswa, at hindi magandang halimbawa tulad ng aking kanta, may kalayaan din akong ariin ang aking sarili.

“Kasama dito ang pag-aari ko sa aking katawan, sa aking pagkababae, at higit sa lahat ang pag-aari ko sa nais kong gawin, sabihin, kantahin, o sayawin dahil hindi nito binabawasan o inaapakan ang karapatan ng ibang tao. Hindi ninyo pag-aari ang mga ito. Katawan ko, kwento ko, lib*g ko, opinyon ko, at pagkakababae ko - akin ito at hindi sa inyo,” patuloy niya.

Binigyang-diin din ni Toni ang karapatan niya bilang tao at hindi raw siya dapat pagbawalan o punahin sa kanyang kilos at pananamit.

“Ikatlo, wala kayong puwang para sabihan at pagbawalan ako. Hindi ninyo lugar ang pagbawalan ang mga babaeng gaya ko —gaya ng pagbabawal ninyo sa aming kilos, pananamit, pati na rin sa pakikipag-usap.

“Hindi kayo ang karapat-dapat na manguna sa pagpuna lalo na sa mga usaping s3xual naming kababaihan dahil unang-una, hindi ito bawal at hindi kayo babae.

“Bahagi ng bawat tao ang lib*g, at bahagi ng ating karanasan ang pakikipag-talik at pag-gamit ng s3x toys. Hindi ko na kasalanan kung hindi ninyo ito naranasan o nararanasan dahil hindi ko pipigilan ang aking sarili para lamang sa mga gaya ninyo.

“At kung sakali man dumating ang araw na ipakita ko ang ari ko o kahit ano mang sensitibong bahagi ng katawan ko sa pelikula man o music video, wala kayong pakielam dahil tulad ng MPL, hindi ko pinilit ipanood sa inyo ang mga ito.”

Nilinaw rin ni Toni ang tungkol sa inumin na nakita sa music video na aniya ay hindi raw alak kundi juice.

“Ikaapat, kung nagawa natin magsampa ng kaso, sana ay nagawa din natin mag research nang maigi dahil may BTS Vlog ang MV ng MPL at doon namin pinakita na pinalitan ng juice ang tequila at wala akong pinainom na alak sa kahit sino pa man sa aking mga nakasama,” depensa ni Toni.

Idinagdag din ng vlogger na wala ring minor na gumawa ng sexual scenes sa music video.

Gayunpaman ay sinabi ni Toni na haharapin niya ang kasong isinampa sa kanya.

“Sa huli, gusto kong sabihin sa inyo na matapang kong haharapin ang mga kasong inihain ninyo laban sa akin dahil kahit na ano pa ang itawag ninyo sa akin, taas noo ko itong haharapin at sasabihing ako’y tahimik lang sa umpisa, pero marunong akong lumaban kahit di ninyo ako pilitin,” pagtatapos ni Toni.

vuukle comment

PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with