^

Pang Movies

Rabiya, magiging babaeng bakla!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Rabiya, magiging babaeng bakla!
Rabiya Mateo

Masayang-masaya si former Miss Universe Philippines/actress Rabiya Mateo sa big break na isinama siya sa murder-mystery drama series na Royal Blood, na pagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

“Challenging para sa akin ang role na itinuturing kong big break ko sa acting,” sabi ni Rabiya. “Mata­gal ko na rin pong ipinagda­rasal ito, kaya lagi akong sumasali sa mga acting workshop bilang paghahanda na rin.”

Si Rabiya ay si Tasha, na best friend ng nasirang asawa ni Napoy (Dingdong) na si Kate. Napalapit siya at napamahal sa mag-amang Napoy at daughter nito, secretly in love siya rito, at iyon ang risk, kung masusuklian ba ito ni Napoy. 

Biro pa ni Rabiya, “‘babaeng bakla’ raw si Tasha, kalog, very masa, so something na makaka-relate ako. Feeling ko nga, ‘ako ba talaga ito?”

 Ibang-iba raw ito sa una niyang ginampanan sa Agimat ng Agila Season 2 with Sen. Bong Revilla.

Nagsimula na silang mag-taping ni Dingdong ng Royal Blood under director Dominic Zapata na mapapanood sa GMA 7.

V5, naayos ang technical issues sa sinehan

Congratulations sa GMA Network, kay Director Mark Reyes at sa buong production staff ng #V5LegacyTheCinematicExperience dahil hindi na nila kailangang mag-promote na panoorin ang  #VoltesVLegacy on the big screen. 

Dahil mismong ang moviegoers ang nagpo-post sa kani-kanilang social media kung gaano ka-successful ang showing nito sa mga selected SM Cinemas all over the Philippines. 

‘Yung mga nanood ay pino-post ang mga kuha nila sa mahahabang pila sa labas ng sinehan, ‘yung iba, kapag sold-out na ang tickets, lumilipat kung saan sila pwedeng bumili ng tickets sa susunod na screening. 

Hindi rin sila nagalit kung may sinehan na nagkaroon ng technical issue, nag-sorry ang GMA Network at SM Cinema, at in-assure naman nila na all ticket holders will be accommodated after the glitch was resolved. 

Naayos naman ito at nagtuluy-tuloy na ang screening.  ‘Yung hindi makakapanood ng movie screening, sa May 8, na ang world premiere ng Voltes V: Legacy, sa GMA Network, 8:00 p.m., after 24 Oras.

vuukle comment

RABIYA MATEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with