^

Pang Movies

Kris Bernal, hirap maging ina

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pang-masa
Kris Bernal, hirap maging ina
Kris Bernal at Hailee.
STAR/ File

Hindi mapigilang maging emosyonal ng aktres na si Kris Bernal nang mapag-usapan ang kanyang mga hirap na nararanasan bilang first-time mom sa anak na si Hailee.

Hindi raw akalain ng misis ni Perry Choi na ganoon kahirap ang motherhood para sa kanya.

Naging madali naman daw ang pagbubuntis sa kanya pero hindi niya akalaing mahihirapan siya pagdating ng fourth trimester.

Inakala niya ring magiging madali na ang kanyang buhay pagkapanganak niya at balik na sa dati ang kanilang buhay.

Pero ngayong walong buwan na mula nang ipanganak niya ang panganay nila ay nahihirapan pa rin daw siya.

Minsan umiiyak pa rin daw siya at hindi niya mawari kung ano ang nangyayari sa buhay niya.

Parang gusto raw niyang bumalik sa dati pero hindi niya magawang makabalik sa dating siya. Hindi naman daw niya ito minamadali.

Isa rin sa kanyang problema ay wala siyang mapagkatiwalaang tao na maaaring mag-alaga sa baby nila kaya mag-isa niyang ginagawa ang lahat bilang hands-on mom.

Nilinaw niya na hindi naman siya inggrata o pinagsisisihan ang lahat kundi gusto lamang niyang ibahagi ito at nami-miss lang talaga niya ang dating siya.

Okay lang naman daw na i-acknowledge ang hirap ng pagiging ina na hindi laging colorful ang buhay kundi marami talagang pagdaraanang pagsubok.

Hindi talaga biro ang postpartum kaya marami ang naka-relate kay Kris.

Kahit mahirap ang pagiging isang ina ay patuloy naman daw siyang natututo at nag-a-adapt.

vuukle comment

KRIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with