^

Pang Movies

Eugene, muntik maging host ng F2F

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Eugene, muntik maging host ng F2F
Eugene Domingo

Kay Eugene Domingo pala unang ini-offer ang bagong bihis na Face 2 Face.

Ang narinig ko, bago raw ito napunta kay Karla Estrada, si Eugene ang sana’y magho-host nito.

Pero diumano’y nagkaroon ng isyu sa talent fee at hindi raw nagpa-discount si Eugene.

In all fairness, mukhang nag-swak naman kay Karla dahil kilala naman siyang ‘talakera’ at aminado siya tungkol dito.

Anyway, siguradong mabubusog sa intriga at kontrobersiya ang mga Marites ng Pilipinas dahil nagbabalik na ang isa sa pinaka-tinutukan at inabangang legacy shows ng TV5, ang Face 2 Face, na ibabalik ang tinaguriang “barangay hall on air” simula May 1 sa TV5 at One PH, na available sa Cignal Ch. 1, SatLite Ch. 1, at Cignal Play.

Dahil kasabayan ng Face 2 Face ang pagbabago ng panahon, bagong tandem ang matutunghayan sa pagbabalik ng viral na programa – sina Mama Karla Estrada at Alex Calleja na ang hosts at mediators sa pagresolba ng mga problema ng kanilang mga bisita.

Handa ring tumulong ang Trio Tagapayo – sina “Dr. Love” Bro. Jun Banaag para sa gabay ng clergy, Atty. Lorna Kapunan para sa legal advice, at Dr. Camille Garcia para sa pagbabahagi ng pananaw ng isang psychologist – para sa ikabubuti at ikaaayos ng mga problemang kanilang pagpapayuhan.

Ang bagong Face 2 Face ay may bagong battlecry na “Isyu ay harapin, huwag palakihin” dahil sa paniniwala na ang lahat ng problema ay nadadaan sa magandang usapan.

Ang motherly compassion ni Mama Karla at ang pagka-kwela ni Alex Calleja ang magbibigay ng bagong approach sa mga isyu.

Relate naman sila sa mga tatalakayin nilang isyu rito lalo na nga at nabanggit ni Karla na noong hindi pa sikat ang anak niyang si Daniel, naka-20 na lipat sila sa apartments.

Habang si Alex ay ay hindi nakakabayad ng pitong buwan sa kanilang nirerentahang bahay noon.

Speaking of Face 2 Face, una diumanong ini-offer ang programang ito kay Eugene Domingo.

Ang narinig ko, bago raw ito napunta kay Karla na aminadong hindi na bago sa kanya ang ganitong ‘format’ dahil sa kanyang mga anak na madalas niya noong pini-face-to-face, si Eugene ang sana’y magho-host nito.

Pero diumano’y nagkaroon ng isyu sa talent fee at hindi raw nagpa-discount si Eugene.

Actually, nung una raw ay nagkaayos na sila Eugene at TV5 pero nang hindi agad nasimulan ay hindi na pumayag si Eugene.

In all fairness, mukhang nagswak naman kay Karla dahil kilala naman siyang ‘talakera’ at aminado siya tungkol dito.

vuukle comment

EUGENE DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with