^

Pang Movies

Unico hijo nina Ryan at Juday, mahusay na football player

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang husay naman ng anak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na si Lucho.

Football player na pala ito.

At nag-lalaro ito sa Arayat Football Club na para sa 7s Youth Football League.

Bongga.

Hindi madali ang larong football at kumbaga hindi ‘yan basta-basta nilalaro.

Hindi ‘yan katulad ng basketball na pwede kahit saan lang.

Sabagay tutok naman sa mga anak nila sina Ryan at Juday kaya talagang susuportahan nila kung anuman ang gusto ng kanilang anak.

Unica Hija, hindi nauubusan ng twists

Bongga ang teleseryeng Unica Hija.

Kahit patapos na ito, patindi nang patindi ang mga eksena sa GMA Afternoon Prime series.

To the rescue na ang isa sa mga clone na si Agape para iligtas si Hope (Kate Valdez) mula kay Lucas (Bernard Palanca).

Panawagan naman ng fans, sana raw ay maging masaya na si Hope sa piling ng kanyang ina na si Diane (Katrina Halili) at mapanagot ang may atraso sa kanila.

Talaga namang dalang-dala ang viewers sa mga pagsubok ng human clone!

Magkaroon nga kaya ng happy ending ang kuwento ni Hope?

Tutukan ang huling linggo ng Unica Hija tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20PM sa GMA-7.

vuukle comment

RYAN AGONCILLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with