^

Pang Movies

Gabbi at Khalil, taun-taon binabalikan ang first date

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Gabbi at Khalil, taun-taon binabalikan ang first date
Gabbi Garcia at Khalil Ramos

Nag-celebrate ng kanilang 6th anniversary sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos. Nagkataon naman na nasa Switzerland ngayon si Gabbi para sa taping ng teleserye na Unbreak My Heart.

Kaya naging advanced na ang celebration nila dahil wala ito sa actual date ng kanilang anniversary. Nag-celebrate sila sa same restaurant kunsaan sila unang nag-celebrate ng una nilang anniversary. Bumabalik sila roon every year.

Post ni Khalil on Instagram: “@gabbi and I did not only celebrate Valentine’s Day early, but also our 6th Anniversary together. We always celebrate it at the same restaurant where we had our first date back on 02/22/17. Hay, time flies. I love you bebu!”

Nag-reply naman si Gabbi sa post with: “Six years and forever to go! Ily!”

Nag-post din si Gabbi sa IG para sa kanilang anniversary: “6 years with you. ily always & forever.”

Una silang nagkakilala sa debut ni Julia Barretto noong 2015. Nagsimula raw sila as friends at nag-confide pa raw si Gabbi ng mga problema niya sa ex-boyfriend kay Khalil. Biglang naputol daw ang communication nila at noong 2017 ay na-renew ang friendship nila at naging couple na sila officially.

Jelai, ayaw nang pakawalan ni Buboy!

Mukhang tinamaan sa isa’t isa sina Buboy Villar at Jelai Andres. Sa programang The Boobay And Tekla Show ay inamin na nila ang real score sa kanila at sinabi pa ni Buboy na very special at hindi raw mahirap mahalin si Jelai.

“Sinabi ko na sa kanya ‘to dati na birthday ko, si Jelai po talaga hindi siya mahirap mahalin. Napakadali niyang mahalin at napakadali niyang alagaan. Totoo ‘yon.

“Kasi sa mga panahon na sobrang down na down ako, punung-puno ako ng problema in my family, in my relationship, si Jelai nagpakita sa akin na kahit anong problemang dumaan, na masakit man, sinaktan ka, nanatili pa rin siyang maganda.

Kahit nagmukha siyang bungo dati, nanatili pa rin siyang maganda. Si Jelai, hindi ko na pakakawalan pa,” diin pa ni Buboy.

Sey naman ni Jelai na nagturingan sila noon ni Buboy bilang best friends dahil marami raw siyang nai-share rito na mga problema niya.

“Nagkaroon ako ng tao na komportable ako, tapos mapagkakatiwalaan ko talaga sa lahat ng bagay. Super lucky ako. Masaya ako, saka nagpapasalamat ako kay God na nakilala ko si Buboy. Kasi dati, hindi ako naniniwala na may babae saka lalaki na mag-best friend. Dati sinasabi ko na, ‘hindi isa diyan may gusto. Hindi mag-ano ‘yan, may secret lang sila.’ Pero totoo pala kasi nangyari sa akin. Totoo palang puwede ‘yon na ang kaibigan mo parang laging gusto mong kasama siya, ‘yung pinagkakatiwalaan mo, saka gusto mong makita lagi. Saka nag-usap na kami. Kapag 50-years-old na kami tapos parehas wala pa kaming asawa, kami na lang ‘yung magiging mag-asawa.”

Payo ni Jelai sa mga babae, maghanap din ng kaibigan na katulad ng isang Buboy Villar na hindi maiinggit at gustong umangat at mapabuti ang kaibigan.

Kapwa nanggaling sa relasyon sina Buboy at Jelai na hindi naging successful. Si Buboy ay may dalawang anak sa former live-in partner niyang si Angillyn Gorens na nasa Amerika na. Si Jelai naman ay kinasuhan ng concubinage ang estranged husband na si Jon Gutierrez a.k.a. King Badger. Isusunod na raw niyang mag-file ng annulment.

Hollywood action star Bruce Willis,may untreatable dementia!

Malungkot ang pamilya ng Hollywood action star na si Bruce Willis dahil na-diagnose ang aktor with untreatable dementia.

Noong nakaraang taon ay na-diagnose si Willis with aphasia, isang disorder kunsaan apektado ang communication skills ng aktor dahil sa mga natamo nitong head injury sa paggawa ng mga buwis-buhay na action scenes sa mga pelikulang ginawa niya.

Nagretiro na sa paggawa ng pelikula si Willis at inaalagan siya ng kanyang pamilya. Pero hindi raw nila inaasahan na may mas malala pang sakit na darating sa aktor.

Ayon sa official statement ng pamilya ni Bruce: “Since we announced Bruce’s diagnosis of aphasia in spring 2022, Bruce’s condition has progressed and we now have a more specific diagnosis: frontotemporal dementia. Unfortunately, challenges with communication are just one symptom of the disease Bruce faces. While this is painful, it is a relief to finally have a clear diagnosis.

“Today there are no treatments for the disease, a reality that we hope can change in the years ahead. As Bruce’s condition advances, we hope that any media attention can be focused on shining a light on this disease that needs far more awareness and research.”

Nakilala si Bruce sa pagganap niya bilang si John McClane sa hit action film na Die Hard in 1988. Nagkaroon ito ng apat na sequels: Die Hard 2 (1990), Die Hard With A Vengence (1995), Live Free Or Die Hard (2007) at A Good Day To Die Hard (2013).

vuukle comment

GABBI GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with