^

Pang Movies

Second baby ni Bettinna, matagal bago nailabas ng hospital  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Second baby ni Bettinna, matagal bago nailabas ng hospital           

Sinilang na ng dating aktres at TV host na si Bettinna Carlos ang kanyang second child noong nakaraang Dec. 12.

Sa Instagram ay pinost ni Bettinna ang photo ng bagong baby girl nila ng mister na si Mikki Eduardo named Amina Elizabeth.

“I am Amina Elizabeth, my parents’ @bettinna­carlos.eduardo and @mikki.e.eduardo most awaited check-out this year, delivered last 12.12,” caption pa ni Bettinna.

Na-delay ang pagbalita ni Bettinna sa pagsilang niya dahil kinailangan daw na mag-stay pa ng matagal sa ospital ng kanyang baby.

“Thank you to those who prayed for me and our family. True to my name, God has (faithfully) kept me safe and protected. After 10 days, we are now home. Thank you Lord,” post pa ni Bettinna.

Noong June in-announce ni Bettinna na pregnant siya ulit pagkatapos na makaranas ng miscarriage.

Blessing nga raw sa mag-asawa ang makabuo ulit pagkatapos ng miscarriage na nakaapekto kay Bettinna emotionally. Pero dahil sa pagdating ng bagong baby ay labis ang pasasalamat ng mag-asawa dahil isang blessing daw si Baby Amina Elizabeth sa kanila.

Kinasal sina Bettinna at Mikki noong December 2020. May anak na si Bettinna named Amanda sa dating partner nito.

Kristoffer, kinokondisyon ang katawan 

May dahilan pala kung bakit nagpapakondisyon at nagpapaganda ng katawan niya ang Kapuso hunk na si Kristoffer Martin. Naghahanda siya para sa kanyang kauna-unahang pagsali sa triathlon.

Sa Instagram, nag-post si Kristoffer ng isang video kung saan makikita na subsob siya sa workout at trai­ning. Nilagyan pa niya ng caption na: “And so it begins. #Triathlon #Training”

Ang triathlon ay “athletic contest consisting of three different events, typically swimming, cycling, and long-distance running.”

Swimmer si Kristoffer noong high school pa lang ito kaya ang pinagbuhusan niya ng panahon ay ang pagtakbo at ang cycling na kelan lang ay napanalunan niya ng medalya.

Sumali si Kristoffer sa Taktak Cycling Challenge na ginanap noong nakaraang Sabado, Dec. 17 sa Daang Bakal Road, Taktak, Antipolo City.

 Bukod sa kanyang sports, pinaghahandaan na rin ng aktor ang mga magiging action scenes niya sa 2023 mega serye na Urduja’s Jewels kunsaan bida sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez. Kasama rin sa cast sina Zoren Legaspi, Jeric Gonzales, Michelle Dee, Rochelle Pangilinan, at Arra San Agustin.

Tom Cruise, pinaghandaan ang buwis-buhay na motorcycle stunt

Sa edad na 60 ay walang takot si Tom Cruise na gawin ang buwis-buhay na motorcycle stunt para sa pelikulang Mission: Impossible — Dead Reckoning Part 1.

Ayon sa aktor: “This is far and away the most dangerous thing we’ve ever attempted. You train and drill every little aspect over and over and over again.”

Para sa preparation sa death-defying scene, ginawa ni Cruise ang 500 skydives at 13,000 motocross jumps.

“There’s no speedometer, so I do it by sound and feel of the bike. And then as I depart the bike, I’m using the wind that’s hitting me here and I’m cupping my chest that will give me lifts,” sey ng aktor sa kanyang nakakakilabot na eksena.

Kasalukuyang nasa South Africa si Cruise para sa shooting naman ng Mission: Impossible — Dead Reckoning Parts 2. Nagpadala ng kanyang holiday video greeting ang aktor habang ginagawa niya ang mag-free falling mula sa eroplano.

“Thank you for supporting ‘Top Gun: Maverick’… As always, thank you for allowing us to entertain you. It truly is the honor of a lifetime. I’m running out of altitude, so I have to get back to work — we have to get this shot. You have a very safe and happy holiday. We’ll see you at the movies.”

vuukle comment

BETTINNA CARLOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with