^

Pang Movies

Pinagbubuntis ni Rita, bunga ng breakup sex?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pinagbubuntis ni Rita, bunga ng breakup sex?!
Rita

Breakup sex diumano ang pinagbubuntis ni Rita Daniela.

‘Yun ang narinig kong kuwento kahapon.

Ang chika, break na si Rita at non-showbiz / businessman boyfriend nang nabuntis ang singer / actress.

Pero pananagutan naman daw ng ex-boyfriend ni Rita ang kanyang responsibilities sa magiging baby nila.

Kaya pala ayaw pangalanan o ipakilala ni Rita ang ama ng kanyang magiging baby.

Blooming na buntis si Rita kaya hinuhulaang babae ang magiging baby niya.

Never sinagot ni Rita ang maraming tanong kung sino ang ama ng ipinagbubuntis niya.

Dingdong, sinaksihan ang ‘pagbibinyag’ ng dalawang panlabang barko ng Pilipinas

Sinaksihan ng Kapuso actor at Navy reser­vist na si Dingdong Dantes ang christening and commissioning ceremonies ng dalawang Barko ng bansa Nestor Acero (PG 901) at BRP Lolinato To-ong (PG 901) noong Martes sa Philippine Navy Headquarters.

Naka-uniform si Dingdong na bagay na bagay sa kanya.

Aniya sa kanyang post : “Honored to have witnessed the christening of the 2 new Fast Attack Interdiction Crafts, which will further strengthen our modern and multi-capable Philippine Navy in their quest to secure and protect our archipelago.”

Donny nagpapagawa na ng bahay, Belle waging outstanding star sa Korea!

Bongga ang He’s Into Her star na si Belle Mariano na wagi bilang isa sa Outstanding Asian Stars sa nalalapit na 17th Seoul International Drama Awards 2022 na ipapalabas nang live sa Setyembre 22.

Matapos ang isang buwan na botohan ng global fans sa Idol Champ application, tinanghal ang Kapamilya actress bilang Philippine winner kasama ang apat pang Asian artists.

Umabot sa 175 na mga aktor at aktres galing sa Japan, China, Thailand, Taiwan, at Pilipinas ang nominado para sa parangal na ito.

Inorganisa ng Seoul Drama Awards Organizing Committee at Korean Broadcasters Association ang Seoul International Drama Awards, kasama ang Minis­try of Culture, Sports and Tourism, Seoul Metropolitan Government, at iba’t ibang Korean broadcast stations.

Isa itong prestihiyosong drama festival na pinagsasama-sama ang television drama productions sa iba’t ibang panig ng mundo upang mapalago ang cultural diversity.

Nakatakda ring magbida si Belle sa pelikula ng Star Cinema na An Inconvenient Love  kasama ang onscreen partner na si Donny Pangilinan.

Pinangunahan din ng tandem ang matagumpay na He’s Into Her: All Access concert na ginanap noong Agosto 27.

Nakilala ang aktres dahil sa pagganap niya bilang si Maxpein Del Valle Luna sa He’s Into Her at Gabbie Salazar sa Four Sisters Before the Wedding.

Suwerte ni Belle. Binati naman siya ni Donny ng “You deserve this. More to come.”

At ang flinex naman ni Donny ay ang pinagagawa niyang bahay na tinawag niyang Casa Donato.

Coleen, pinasyalan si Billy sa danse...

Grabe ang suporta ni Coleen Garcia sa pagsali ni Billy Crawford sa Danse avec les stars, ang French version ng dance competition na Dancing with the Stars.

Kahapon sa ipinost ni Coleen ay sinundo nila ng anak niyang si Amari si Billy sa studio ng programa at nakapamasyal pa raw sila.

“Full support for Daddy!” Picked @billycrawford up from work and had time to play while he showed us around. Amari’s favorite part was….. opening and closing the doors, of course.”

“SO EXCITED FOR YOU, MY LOVE! You are gonna do great, and we’ll be here for you every step of the way! Already so proud of you!”

Aminado si Billy na kabado siya sa sa pagsali sa Danse.... “On y va! Gaaaaaa I’m so nervous. To God be the glory!  Check it out, next Friday 9:10pm sur @tf1 @dals_tf1.”

Ang galing pang mag-French ni Billy nang magkaroon sila ng video plugging.

Nauna nang inamin ni Billy na throwback na siya sa France.

 “Nakakagulat dahil hindi ko aakalain na magiging isang malaking throwback ako. ‘Yung ‘pag ‘kilala ko yan’ ‘may nangyari sa kanya’ ‘nag-disappear ‘tong taong ‘to’ pero nakakataba ng puso na kilala pa rin ako, alam nila ‘yung kanta ko tapos lahat pati ‘yung ang dami pa ring nakakakilala,” banggit niya sa isang dating interview namin sa LOL.

Sumikat si Billy sa France 20 years ago.

Bago siya umalis ng bansa ay nakapa-taping na siya para sa The Wall ­Philippines ­na napapanood sa GMA 7.

vuukle comment

RITA DANIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with