^

Pang Movies

Mystery O Murder, bibida si Phillip Salvador

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Mystery O Murder, bibida si Phillip Salvador
Phillip

Tuloy na ang sequel ng Maid in Malacañang na Mystery o Murder o MoM at ang target playdate ay sa Feb. 25, 2023.

Controversial ang tema ng MoM tungkol sa kung sino ang pumatay o nagpapatay kay Ninoy Aquino at mas magiging controversial pa dahil ang napiling playdate ng Viva Films at ni Director Darryl Yap ay anniversary ng EDSA Revolution o People Power Revolution.

Si Jerome Ponce palang ang nabanggit na kasama sa cast ng MoM dahil siya raw ang gaganap ng young Ninoy Aquino.

Base rin sa mga artcard na naglabasan na ewan kung fake ay si Phillip Salvador ang gaganap na Ninoy pagtanda.

Controversial din ang pagkapili kay Jerome dahil siya ang bida sa pelikulang Katips na nakasabay sa showing ng MiM at nanood ng MiM. Nagalit si Katips director Vince Tañada at tinawag na enabler si Jerome.

Kaya, hindi agad magagawa ang MoM dahil may isa munang gagawing pelikula sa Viva Films si Direk Darryl bago gawin ang MoM.

Sa Q&A pa sa controversial director, sinagot ang lahat ng tanong sa kanya pati ‘yung hindi siya gusto ng maraming filmmakers. Matatandaang na-boo pa nga siya sa Cinemalaya kahit pangalan lang niya ang nabasa sa credits ng movie na prodyus ng company niya. “Let us not waste your sentences with common nouns. Puwede akong tawagin ng kahit sino ng kahit ano, kasi hindi nila ako kilala.”

Bianca at Iza, kinumpara kina Solenn at Anne

Naiyak at nagpasalamat si Bianca King sa well wishers at nag-congratulate sa kanila ng asawang si Ralph Wintle nang ibalita nilang they are pregnant.

“Thank you for all the well wishes it’s a relief to be 15 weeks pregnant and share the news. I enjoyed reading all your guesses on how far along I am. Thank you for the love. I look forward to sharing a piece of my heart with you. From pregnancy to birth and motherhood.”

May mga humuhula ng babae ang ipinagbubuntis ni Bianca dahil glowing at blooming daw ito, bagay na hindi pa sinasabi nina Bianca at Ralph.

Magbilas sina Bianca at Iza Calzado dahil magkapatid ang kani-kanyang asawa at halos sabay pa silang nagbuntis. Para silang ang maghipag na sina Solenn Heussaff at Anne Curtis na sabay nagbuntis at halos sabay ring nanganak sa kanilang first baby. Kaya ang mga anak nila ay playmates at very close.

Glaiza, kinatakutan ni Ruru

Tsinek namin ang Instagram ni Glaiza de Castro at nakita namin ang post niya habang nasa gym at defined ang muscles sa braso.

Naalala tuloy namin ang sinabi ni Ruru Madrid sa interview sa 24 Oras na sa cast members ng Running Man Philippines, pinakatakot siya kay Glaiza. Tumi­ngin lang daw si Glaiza sa kanya, natatakot na siya.

Sa Sept. 3 and 4 na ang world premiere ng Running Man Philippines at paalala ni Glaiza, panoorin ang boung trailer at tutukan ang buong series.

Maganda ang ginawa nina Glaiza at ng mga kasama sa Running Man Philippines after ng six weeks na taping. Binigyan nila ang buong SBS at Running Man Korea staff ng big surprise sa last day ng ta­ping.

Nagpadala ang cast ng special coffee truck bilang pasasalamat sa sipag ng hardworking crew.

Kim, napa-react sa rami ng trabaho ni Xian

Ang sipag ni Xian Lim, kapo-post lang noong isang araw na nasa set siya ng Wish Ko Lang kung saan, siya ang director ng isang episode, heto at sa bagong post, may bago siyang directorial project.

Siya rin ang director ng music video ni Glaiza de Castro na hindi binanggit ni Xian ang title, pero kung ‘di kami nagkakamali, Tawid Dagat ang title.

Sa pinost na photos ni Xian, nasa harap siya ng monitor at nasa screen si Glaiza na nag-comment ng “Nice working with you po direk.”

Nag-comment din si Kim Chiu ng “So busy naman directing!!! Movie, tv tas MV. Congrats.”

vuukle comment

PHILLIP SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with