^

Pang Movies

Jason, napaghandaan ang magiging pamilya nila ni Vickie  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Jason, napaghandaan ang magiging pamilya nila ni Vickie               
Jason at Vickie

Kinilig ang maraming netizens sa pre-nuptial photo shoot ng Kapuso actor na si Jason Abalos at ng fiancee na si Vickie Rushton.

Kinunan ang kanilang pre-nuptial shoot sa Farm Ridge sa Pantabangan, Nueva Ecija kung saan nanalong board member si Jason noong nakaraang eleksyon.

Taga-Nueva Ecija talaga si Jason at dito siya nakabili ng ilang properties bago pa man niya nakilala si Vickie.

Ngayon ay sa kanyang probinsya sila nagpatayo ng bahay at gusto niyang lumaki ang kanilang magiging mga anak sa kanilang farm.“Sa aming magiging mga anak. Sa lugar na ito kami nangangarap na magpatayo ng bahay para sa inyong paglaki at dito rin kayo matututo sa buhay, maglalaro kasabay ng mga alagang ha­yop. Madalas uupo lang tayo at magkukwentuhan habang kami ng mommy n’yo ay nagkakape at patuloy na magpapasalamat sa ating Panginoon sa buhay na kanyang ibinigay sa atin. ‘Yong Vespa mahaba-habang usapan pero malamang isa sa inyo ang magmamana :),” post ni Jason.

Noon pa man ay sinasabi ni Jason na simpleng buhay lang ang gusto nila ni Vickie. Pareho raw kasi silang lumaki sa probinsya at gusto nilang mapalaki ang kanilang mga anak na sa probinsya rin kung saan tahimik ang kapaligiran at malinis ang hangin.

Mukhang mapapadalas na ngayon si Jason sa Nueva Ecija sa pagiging board member nito. Pero may kontrata pa siya with Sparkle GMA Artist Center dahil nag-renew lang siya noong November 2021. Huling teleserye niya ay Las Hermanas.

Hipon, parerentahan ang regalong bahay ng manager

Sobra ang pasasalamat ni Herlene “Hipon Girl” Budol dahil sa sunud-sunod na biyaya na dumating sa buhay niya at sa kanyang pamilya.

Bago nga naka-graduate si Hipon sa kursong BS Tourism Management sa College of Saint John Paul II ay nakalipat na ito sa bago niyang bahay na regalo ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Habang naging abala si Hipon sa pag-aaral at pag-train sa Binibining Pilipinas, naghanap ng bahay ang kanyang manager at ito na nga ang naging regalo niya dahil sa sipag at tiyaga ng kanyang alaga.

Ang naturang bahay ay may 216 square meter lot area. Bungalow ang bahay at merong kasama two-storey apartment units. Ipaparenta raw ni Hipon ang apartment units para sa magiging pang-buwanang panggastos ng kanyang pamilya.

Ngayon ay todo focus na si Hipon sa nalalapit na coronation night ng Binibining Pilipinas.

Justin Bieber, itutuloy na ang concert tour

Magbabalik na sa kanyang Justice Tour si Justin Bieber. Ayon sa Canadian pop star, nakatakda siyang bumalik sa kanyang tour on July 31 sa Lucca Summer Festival in Italy.

Wala pang announcement kung kelan mare-resume ang mga na-cancel niyang tour dates sa North America noong June pagkatapos siyang ma-diagnose na may Ramsay Hunt Syndrome na siyang cause ng kanyang facial paralysis.

Nakapagpahinga na raw si Justin at nakatulong ang naging bakasyon niya sa isang ranch sa Idaho kasama ang singer-friend-mentor na si Usher.

 Isa si Usher sa nag-mentor kay Justin noong ma-discover nila ito ni Scooter Braun sa isang YouTube video noong 2007. Ngayon ay isa sa best-selling music artists of all-time si Justine with 150 million records sold worldwide.

vuukle comment

JASON ABALOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with