^

Pang Movies

Ella, umalma sa bashers ng tatay na talunan sa eleksyon   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ella, umalma sa bashers ng tatay na talunan sa eleksyon          
Ella

Hindi na nakatiis si Ella Cruz at binasag na ang kanyang katahimikan hinggil sa kaliwa’t kanang pambabatikos sa kanya dahil nga sa binitiwan niyang pahayag sa isang panayam na “history is like chismis.”

Ilang araw na ngang pinagpipistahan sa social media si Ella dahil sa naging statement niyang ‘yun at maging ang mga kapwa niya artista ay pinangaralan din siya tulad na lang nina Agot Isidro at Pokwang.

Sa lahat ng batikos ay nanatiling walang kibo si Ella at hindi sumasagot. Pero nang batikusin na ang kanyang ama, dito na siya umalma at nagsalita.

Sa kanyang Facebook page ay ipinost ni Ella ang screenshot ng post ng isang netizen laban sa kanyang ama.

“Nagsalita na yung tatay ni Ella Cruz yung naka 2% lang noong eleksyon. Kaya hindi umabot ng isang libo ang bumuto sayo kasi ang turo mo wag masyado matalino sa school. Ang kailangan ng bayan natin ay matalino na kayang solusyunan ang mga problema ng bayan,” ang post ng netizen.

Sa caption ay sinabi ng aktres na siya na lang ang i-bash at ‘wag nang idamay ang kanyang pamilya.
“Nathaniel Shawn Martin Estrella and Toni

“At kung sino pa,

“Bash me all you want PERO WAG NIYONG IDADA­MAY PAMILYA KO,” pahayag ni Ella.

“Have a little humanity, please,” pakiusap pa ng aktres.

Matatandaang tumakbo bilang mayor ng Angat, Bulacan ang ama ni Ella nitong nakaraang eleksyon pero hindi ito pinalad na manalo dahil 731 lang ang botong nakuha nito.

Rufa, nakahanap ng bagong kaibigan

Masayang-masaya si Rufa Mae Quinto na siya ang napiling magbida sa anniversary special ng Daig Kayo ng Lola Ko na magsisimula na ngayong Sunday, July 10.

“Nakakatuwang bumalik sa GMA, then binigyan pa ako ng anniversary show. Talagang happy at nakaka-proud dahil sa matitinding effects. Bukod diyan, nakahanap pa ako ng mga bagong kaibigan at puro good vibes lang kami sa taping,” pahayag ni Rufa.

Titled Bida Kontrabida, gagampanan ni Rufa Mae ang papel na Evil Quen. Kasama niya rito sina Jo Berry as Rumpelstiltskin, Cai Cortez as Sea Witch and Andre Paras as Big Bad Wolf.

Happy rin si Jo na nakasama siyang muli sa anniversary special at ibinahagi nga niya na fan siya ng show.

“Second time ko na itong makasama sa anniversary special ng Daig Kayo Ng Lola Ko. At bago pa ako maging artista, talagang pinapanood ko na siya. Kaya thankful ako sa GMA sa mga binibigay nilang roles na pwedeng panoorin ng mga bata at kapupulutan nila ng aral,” sey ni Jo.

Si Cai naman ay nag-guest na rin dati sa nasabing show pero ito raw Bida Kontrabida ang most memorable for her.

“Grateful ako to meet new friends and create a new family here. Magandang memory ito sa showbiz career ko dahil first time ko silang makatrabaho pero nagkasundo agad kaming lahat,” ani Cai.

Happy rin si Andre sa kanyang role bilang kontrabida at looking forward daw siya na magkaroon pa ng mga ganitong papel sa Kapuso network.

vuukle comment

ELLA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with