^

Pang Movies

Diego wala Cesar, nakasundo na ang mga anak kay Sunshine!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Diego wala Cesar, nakasundo na ang mga anak kay Sunshine!

Pati ang mga Marites, natuwa sa balitang nagkita sina Cesar Montano at ang tatlong dalagang anak nila ni Sunshine Cruz. Na-post sa IG stories ni Sam Cruz ang pagkikita nilang magkakapatid sa kanilang ama sa isang restaurant.

Sapat na ang caption ni Sam sa mga larawan na “Nice seeing you dad!” para matuwa ang netizens.

Comment ng isang netizen, sana next time na magkita sina Cesar at mga anak, kasama na si Diego Loyzaga para mas masaya.

Nagtanong tuloy ang netizens kung bakit hindi nakasama sa bonding nina Cesar at mga anak na dalaga si Diego. May isyu pa naman ngayon kay Diego, baka matulungan siya ni Cesar na lutasin.

Drew at Iya, nag-groundbreaking na sa Ipatatayong bahay

Nag-groundbreaking na ng ipatatayong bahay sina Drew Arellano at Iya Villania at kumpleto ang Arellano family sa site. Ang gandang pag­masdan ng pamilya na pare-parehong naka-hard hat, habang may hawak na pala sina Drew at Iya.

Hindi nabanggit kung saan ang location nito, pero minsan nang nabanggit ni Iya na sa bandang Rizal sila magpapatayo ng bahay. Masaya ang mga kaibigan ng mag-asawa sa bagong milestone na ito sa kanilang pamilya.  

Sabi ni Iya, “Today was a special day, a first for our family. Thank you, Lord.” Isa sa nag-comment si Camille Prats na co-host ni Iya sa Mars Pa More. Sa sagot ni Iya na “knock knock,” ang feeling ng netizens, the same subdivision kung saan nagpapatayo ng bahay sina Camille and her husband.

Parehong masipag sa trabaho sina Drew at Iya, heto, makikita na ang resulta ng kanilang pagpapagod at pagpupuyat.

Joaquin, nahuli sa akto

Naka lock-in taping ng First Lady ng GMA 7 si Joaquin Domagoso, kaya hindi nakadalo sa presscon/premiere night ng first movie niyang Caught In The Act. Sa Zoom na lang ito na-interview pati sina Andi Abaya at Karel Marquez.

Ang nabanggit na pelikula ang first local movie na ipalalabas sa mga sinehan after 21 months. Kaya nagsisipag ang buong production at cast na ipaalam sa moviegoers na showing na ang movie nila sa Dec. 15.

Isa sa mga bida si JD na sinagot ang tanong kung na-caught in the act na ba siya? “Oo” ang sagot. May ginagawa siya sa bedroom niya at nahuli ng yaya niya. Hindi na nag-elaborate kung ano ang ginagawa niya at kung hubo’t hubad ba siya, basta nagkagulatan daw sila ng yaya niya. Akala kasi niya, naka-lock ang kuwarto niya.

Aliw rin ang sagot ni JD sa tanong kung may pressure sa kanya ang pagiging anak ng isang presidentiable? “Oo, maraming pressure sa akin dahil lagi akong tinatanong about my dad. Dapat tama ang sagot ko dahil baka ako pa ang maging dahilan ng pagkatalo niya.”

Hahaha! Natawa ang press people sa sagot na ito ni JD na in fairness, mahusay sumagot sa mga tanong.

Interesting fact about JD and his dad, dapat ang pelikula ni Isko (Moreno) na Yorme ang first Filipino film na ipalalabas sa mga sinehan post pandemic, nakiusap si Isko sa producer na sa Jan. 26, 2022 na lang ipalabas ang movie niya. Kaya ang pelikula ng anak na si JD an magiging first local film na ipalalabas sa panahon ngayon.

vuukle comment

CESAR MONTANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with