^

Pang Movies

Hashtag Nikko, na-scam ng P4 million

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Hashtag Nikko, na-scam ng P4 million
Nikko

Nakakalungkot ang nangyari sa Hashtag member na si Nikko Natividad na lumipad ang P4M dahil sa investment scam.

Mismong ang model/dancer ang nagbahagi ng masakit na karanasan sa pamamagitan ng kanyang Instagram post.

Inirepost ni Nikko ang news clip sa TV Patrol tungkol sa pagkakaaresto sa isang alleged investment scammer na nangangalang Shagoptha “Sha” Punzalan at sa caption ay inamin niyang isa rin siya sa naging biktima nito.

“Hindi ko na kaya manahimik. Isa ako sa mga nag-invest at na scam dito. Alam ko mas galit pa ang mga tao samen kesa sa ng scam na kesyo baket kasi kame naghahangad ng malaking pera. (Madali magsalita dahil wala kayo sa sitwasyon namen),” ang simula ni Nikko.

Ayon sa Hashtag member, sobra-sobrang depresyon ang idinulot sa kanya ng nangyari dahil hindi nga naman biro ang P4M na pinakawalan niya.

“Ang layunin ko dito ay makatulong sa iba. Na wala ng maloko pa kagaya ng ganito. Napaka saket sakin at sameng mga naloko na mawala lahat ng pinaghirapan at pinagipunan sa isang iglap lang.

“Sobra sobrang depression binigay nito saken. Nawala ang 4million ko dahil nagtiwala ako sa maling tao. Dugot pawis sakripisyo tapos isang iglap lang mawawala.

“Hindi nako umaasa na mabawi pa yung pera na nakuha nya samen dahil alam ko na wala yung pera. Hustisya na bahala sayo,” pahayag niya.

Sa huli ay sinabi ni Nikko na hindi naman ito dahilan para mawalan ng pangarap at inspirasyon sa buhay.

“Nawalan man kami ni Cielo ng pera Hindi naman kame nawalan ng pangarap at inspirasyon para magpatuloy. Masaket dahil walang wala ako ngayon pero babangon ako at matututo sa pagsubok na natanggap ko. Hindi namen kasalanan na nagtiwala. Kasalanan NYA na niloko nya ang mga tao na nagtiwala sakanya,” pagtatapos nito.

Sen. Bong, lalabas na ng hospital

Nakakatuwa namang malaman na bumuti na ang kalagayan ni Sen. Bong Revilla na kasalukuyang nasa hospital matapos ma-infect ng COVID-19.

Nagbigay siya ng update sa kanyang Facebook account at ibinahagi ang magandang balita.

“Thank You, God for Your unending love and care.

Great news po! The doctors have cleared me for discharge. I am so excited to go home. Hindi pa po tapos ang aking pagpapagaling, but they said I am strong and well enough to continue treatment at home.

“Again, maraming maraming salamat po sa inyong mga panalangin. Sobrang nakakataba ng puso ang inyong mga ipinarating na dasal at mga words of encouragement and well wishes.

“I cannot thank all of you enough.,” ang post ni Sen. Bong.

vuukle comment

NIKKO NATIVIDAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with