^

Pang Movies

Heart, naunahan na si Sharon!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Heart, naunahan na si Sharon!
Heart

Hindi na kami nagulat nang makita na­ming naroroon si Heart Evangelista habang nanunumpa ang asawa niyang si Chiz Escudero bilang bagong pangulo ng Senado bago ang pagtatapos ng session, at bilang paghahanda noon para sa muling pagbubukas ng session pagkatapos ng SONA sa Hulyo.

Ilang araw na rin naming narinig na patatalsikin nila si Senador Migz Zubiri bilang presidente ng Senado nang mabigo iyong maisulong ang ilang priority bills.

Marami ang sinasabing dahilan pero noong nakaraang linggo pa umuugong na kuwentuhan ay 15 senador na raw ang nagsusulong kay Escudero para maging senate president.

Ganoon nga kasimple, nagkaroon ng deklarasyon ng vacancy may nag-nominate kay Chiz at siya na ang senate president.

Basta si Heart, Senate President na ang asawa niya. Naunahan na niya si Sharon Cuneta na noon ay sinasabing magiging first lady ng senado pero hindi natupad na maging president ng Senado si dating senador Kiko Pangilinan.

Nora, nanahimik sa kanyang birthday

Parang nanibago kami noong isang araw, tahimik ang social media, parang wala na halos nakaalala ng birthday ni Nora Aunor.

Tahimik din naman ang kampo ni Nora Aunor dahil ang talagang priority niya ay makaalis sana papuntang Cannes Film Festival pero naunahan na siya ng ibang mga artista, pati na ang vlogger na si Toni Gonzaga kasama ang asawang si Paul Soriano, si Jericho Rosales, si Kylie Verzosa at si Shaina Magdayao pati.

Eh si Nora hindi basta makaalis dahil kailangan niya ng isang nurse na sasama sa kanya dahil sa sakit niya na kailangang masiguro ang isang steady supply ng oxygen, maaari lamang siya sa business class ng eroplano, at papaano pa ang gagastusin niya sa Cannes bukod sa mga damit na kailangan niyang isuot?

May dalawa naman daw senador na nagbigay ng donasyon para kay Nora pero hindi pa sapat iyon, kailangan pa silang makapag-solicit ng panggastos, dahil tiyak isasama ni Nora si John Rendez at iba pa.

Throwback: Noon basta birthday ni Nora naghahanda na ng isang special ang RPN 9 naghahanap na sila ng isang malaking venue kung saan idaraos ang programa niya noong Superstar dahil tiyak na darayo ang fans niya na truck truck talaga galing pa sa mga iba’t ibang probinsiya.

Usually ang birthday ni Nora itinatama sa pagpapalabas ng isang bago niyang pelikula, “birthday presentation” kung sabihin nila. At makikita ninyo ang lobby ng mga sinehan, punung-puno ng banners at bulaklak.

Pero ngayon naglaho nang lahat iyan.

Kung sabagay ang dami nang nagbago sa kapaligiran, at mukhang naiwan na nga ng panahon si Nora na hindi na nakausad sa panahon ng dekada 70.

May mga ginagawa naman siya, pero hindi na ganun katindi ang dating sa fans.

Daniel, naka-move on na kay Kathryn

Totoo ba na naka-move on na rin si Daniel Padilla sa split nila ni Kathryn Bernardo?  

Wala pa naman daw siyang bagong syota at sisikapin muna niyang patakbuhin ang kanyang career nang walang partner ayon sa kumalat niyang interview.

Mahirap na nga naman, kung lalabas na napalitan na niya si Kathryn.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with