^

Pang Movies

Heart nag-trending, bumeso kay Zubiri!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Heart nag-trending, bumeso kay Zubiri!

Parang magiging busy na si Heart Evangelista sa Senate Spouses Foundation, Inc.

Kahapon nga ay nanumpa si Sen. Chiz Escudero bilang Senate President. At nasa tabi ng senador ang misis niyang si Heart.

May ibang nabigla sa pagpapatalsik ba or pagre-resign ni now former Senate President Miguel Zubiri kahapon.

Hindi aktibo si Heart sa Senate Spouses Foundation, Inc. na pinamumunuan ni Audrey T. Zubiri, wife ni former Senate Pres. Zubiri.

Si Senator Jinggoy Estrada naman ang nanum­pang Senate President Pro Tempore, bilang kapalit ni Senator Loren Legarda.

Or makakaapekto kaya ito sa pagiging busy ni Heart sa mga fashion event sa Europe?

Trending kaagad si Heart at may video na kumalat na nagbeso pa siya kay Sen. Zubiri.

Hula naman ng iba, ilang tumbling na lang, magiging first lady na si Heart.

Inamin ni Heart noong Mother’s Day na nagbuntis siya kamakailan ng isang sanggol na lalaki ngunit muli siyang nakunan.

Kira, naudlot ang relasyon kay Kelvin

Aminado si Kelvin Miranda na grabe ang epekto sa kanya ng social media.

Kaya’t hanggang ngayon ay pinag-aaralan niya pa raw kung paano siya makaka-adjust.

At para hindi maapektuhan, nagso-social media detox siya, like two to three weeks.

“Kung may ipapa-post po sa akin, ginagawa ko, pagkatapos nun bumibitiw na ulit ako,” kuwento ng actor na busy ngayon sa promo ng pelikulang Chances Are You and I with Kira Balinger.

Aminado rin siyang lahat ng intriga sa kanya ay naapektuhan siya.

Kumpisal niya : “Medyo nahihirapan po akong mag-cope up. Kasi minsan sumusobra na rin ang ibang tao sa pagsasalita.

“Hindi nila inaalam ang tunay na kuwento. Nakakaapekto po talaga ‘yun sa akin.”

Dagdag pa ng Kapuso actor : Lahat ng issue naapektuhan ako, hindi lang naman sa akin, o mga taong dinadawit ang pangalan ko. Sa lahat apektado ako.”

Aside from social media detox, nakakatulong din kay Kelvin ang pakikinig ng music at paggawa ng art work para hindi siya maapektuhan mentally.

“Minsan nakikipagkita ako sa mga kaibigan ko, nagmo-motor, lumalabas, tatambay para makapag-muni-muni.”

Samantala, inulit din ni Kelvin na hindi talaga si Kira ang dahilan ng break up nila ng non-showbiz girlfriend niya.  “Hindi po. Naging malapit lang siya dahil sa character po,” na ang nire-refer ay itong Chances Are You and I na sinimulan nilang gawin nung may COVID pa, 2021 kaya na-delay at natapos lang talaga noong February 2023.

At ngayon nga ay ipalalabas na ang pelikula ng Pocket Media Productions, Incorporation na isang romantic comedy-drama directed by Catherine “CC” O. Camarillo.

Nasa likod ng mga popular na ABS-CBN teleserye si Direk CC tulad ng Halik (2018) with Jericho Rosales and Sam Milby, Wild Flower  (2017), with Maja Salvador and Aiko Melendez.

Sa South Korea naman sila nag-shoot para sa pelikulang ito noong 2022 at tiniis nga raw nila noon ang sobrang lamig.

Si Kelvin ay gumaganap bilang Soleil Sikat o “Sol,” na kumbinsido na ang kamatayan ay hindi maiiwasan at tayong lahat ay mamamatay. Siya ay isang pessimist.

And he realized, na anuman ang kalagayan niya, tayo ang nagtatakda ng ating kinabukasan.

Si Kira naman ay si Gabriel Sinag o ang bubbly na si “Gab,” na naniniwala na ang buhay ay may perpektong wakas.

Parehong na-diagnose na may brain tumor ang dalawa sa kuwento at nagkita sila sa isang ospital kung saan pareho silang naka-confine. Hanggang na-curious sila sa isa’t isa.

And they set an adventure decided by a flip of a coin.

Noong nag-shooting sina Kelvin at Kira, may winter snow sa Korea, pero kailangan nilang mag-focus sa kanilang mga role  at kalimutan ang maaraw na Maynila.

Mauunang ipalabas ang Chances Are, You and I   this May 25 to 26 sa Jinseo Arigato International Film Festival.  The stars of the film, as well as the director will grace the event and attend the screening in Japan.

The film’s soundtrack, Demonyo was done by Juan Karlos “JK” Labajo, Mapa by SB19 and Anghel by Brando Bal.

Mapapanood naman ito sa local cinemas nationwide on May 29 and will have a premiere night at SM Megamall on May 28.

Dragons... may pasabog sa concert

Iba talaga ang attraction ng showbiz.

Ang dami talagang gustong mag-artista.

At ang latest na sumabak na rin sa showbiz ay ang 20-year-old na si Jace Eusebio, kamag-anak nina Robi Domingo at Yeng Constantino at apo ni dating  Pasig Mayor Vicente “Enteng” Eusebio.

Isa ang second year Broadcasting student mula sa La Consolacion College sa mga magpe-perform sa Dragons Unleashed concert na nakatakdang ganapin sa May 22, 7:30 p.m., sa Music Museum.

Gaya ng tita niyang si Yeng, may talent din sa singing si Jace at marunong umarte’t sumayaw.

Sa pa-pocket interview ng manager niyang celebrity make-up artist/hairdresser na si Bambbi Fuentes, sinabi ng dating commercial model na idol niya sina Aga Muhlach at Daniel Padilla pagdating sa pag-arte.

Sa mga babaeng artista naman, dalawa sa crushes niya sina Andrea Brillantes at Kathryn Bernardo.

“Kaya ko po gustong pasukin ang industry kasi si Lord po binigyan ako ng talent. Kung itatabi ko po at ‘di ko ipapakita, sayang po ‘yung binigay Niya sa aking talent. Saka gusto ko rin pong maging inspirasyon sa iba pong tao at magpasaya rin po,” paliwanag ni Jace.

Ang mga magulang daw talaga niya ang nagpu-push sa kanyang mag-artista noong 10 years old pa lamang siya. Pero dahil likas na mahiyain, nitong pandemic lamang niya na-realize na sayang ang talento niya kung hindi niya ito ipu-pursue.

At doon na nga niya nakilala si Bambbi sa tulong ng kanilang family friend.

Bukod kay Jace, handang-handa na ring magpasiklab sa Dragons Unleashed concert ang all-girl group na Ir1zz, pati na sina Shira Tweg, Khai Flores, Christa Jocson, Ruby Garcia, Elle Fernandez, Arjay Ariar, at marami pang iba.

Guest performers naman sina Ice Seguerra, Laarni Lozada, Lipstick Band, atbp. mula sa direksyon ni Vivian Poblete-Blancaflor.

Para sa tickets, mag-text o tumawag lang sa 0945-6328899. Ang proceeds ng Dragons Unleashed ay para sa benefit ng Servants of Charity. (SALVE V. ASIS)

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with