^

Pang Movies

Network war dapat nang tanggalin

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Parang wala nang network war ngayon ‘di ba? Kaya puwede na siguro ngayong gumawa kahit saan ang artista basta may project. Puwede na rin sigurong makipag-collab dahil mas maganda ngayon na gumagawa sila nang magkakasama at iba’t ibang combination.

Magiging maganda ang kalalabasan ng project, istorya at kombinasyon pag ganun dahil puwede nang sumali ang lahat. Wala na ‘yung harang, free for all na. Puwede na ang lahat.

Sana nga ganoon na ang mangyari para mas maganda ang resulta, lalo pa ngayon na binabayaran na nila pati ang paglalabas sa airplane ng mo­vies o serye, lahat ng platform bayad na kaya dapat mas maganda na ang gawing produkto.

Kaya alisin na ang network war, gawing open field para sa lahat. Better at mas maganda ang magiging resulta.

Mga korean aktor ‘di nakakalimutan ang responsibilidad sa bayan

Imagine kung sa pagpasok ni Park Bo-gum sa military training ay isabay na rin si Nam Jo-hyuk, Lee Jun-ho, at ang military leaders nila na sina Jo In-Sung, Song Joong-ki at So Ji-sub, ‘di ba bongga.

It’s raining men, pogi men, hay naku, laglag panties talaga, Salve, ha.

Bakit kaya ganoon noh, kahit nasa top sila basta call na ng military nila, go sila, no questions asked, sumusunod lang sila.

Kaya meron silang discipline, alam nila ang duty nila sa bayan.

Kaya ang ganda rin ng mga posture nila pati ng lakad nila dahil nga batak na batak ang katawan sa training.

Hay naku, Salve, halika na at pumunta na tayo at maging utility girls sa loob ng kampo, tagalaba ng underwears, tagabilad ng sando at tagahugas ng tray. Let’s do it. Go military, march with the Oppas, bongga. (Grabe ka Nay. Hahaha. Epekto ba ‘yan ng MECQ? Hahaha. Go tayo pag puwede na. – SVA)

vuukle comment

KOREANS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with