^

Pang Movies

Migo at Kate bibida sa project ng NCCA!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Migo at Kate bibida sa project ng NCCA!

Ratsada ang showbiz career ng dalawang Kapuso stars, sina Migo Adecer at Kate Valdez. I­lang linggo pa lamang silang napapanood sa GMA Primetime Telebabad na Anak ni Waray Vs Anak ni Biday pero may bago na naman silang proyekto na sisimulan.

Ikinagulat nga nina Migo at Kate na sila ang napili ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA), para sa una nilang pagpu-produce ng isang project na co-production venture nila with GMA Public Affairs, titled Project Destination.

“Maganda po ang project dahil iikot ito sa magagandang asal ng mga Pilipino,” sabi ni Migo. “I think, matututo rin ako ng mga magagandang asal na ipakikita namin sa story.”

“I will portray po the role of Loret na anak ng prominenteng political clan sa bayan ng Negros,” kuwento ni Kate. “Mahuhulog po ang loob ni Loret kay Andre (Migo), na isang Filipino-American blogger. Maganda nga po dahil makakapasyal din kami ni Migo sa Negros sa pagti-taping namin.”

Ikinatuwa rin ni Kate, na sa Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, ay role rin ng isang vlogger, si Caitlyn, ang ginagampanan niya sa serye at ex-boyfriend niya si Migo as Cocoy/Erick, na na-in love kay Barbie Forteza as Ginalyn.

Ang Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday ay napapanood gabi-gabi, pagkatapos ng Descendants of the Sun.

Kapuso pataas!

Patuloy ang pag-angat ng TV ratings ng GMA Network, hindi lamang sa Mega Manila at Urban Luzon, kung hindi ganoon din sa Urban Visayas laban sa katapat nilang network. Tuluy-tuloy ang pamamayagpag ng network nationwide ayon sa datos mula sa Nielsen TV Audience Mea­surement. Bukod sa lalong pagtaas ng lamang ng Siyete sa Urban Luzon at Mega Manila, nasungkit na rin nito ang panalo sa Urban Visayas nitong buwan ng Pebrero. 

Congratulations!

Halikan nina Jennylyn at Dingdong natuloy din

Nakakatuwa ang netizens na sumusubaybay sa Pinoy adaptation ng Korean drama na Descen­dants of the Sun na hinihintay matuloy ang kissing scene nina Maxine (Jennylyn Mercado) at Lucas (Dingdong Dantes).

Natuloy na rin ito last Tuesday evening, ang first kissing scene nila. Gusto ni Maxine inumin nila ang wine na bigay ni Alif pero hindi puwede dahil naka-duty si Lucas. May iba raw siyang alam gawin, sabi ni Lucas, at iyon ay ang halikan si Maxine.

Ang DOTS PH ay napapanood sa mas maagang oras after ng 24 Oras.

vuukle comment

KATE VALDEZ

MIGO ADECER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with