^

Pang Movies

Sanya pasok sa BJ

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nagpasalamat si Kapuso actress at 2020 Ginebra Ca­lendar Girl Sanya Lopez, na muli siyang mag-aaksyon. After niyang gumanap na isang Sang’gre, si Reyna Danaya, sa epic serye na Encantadia sa GMA Network in 2017, nagkasunud-sunod na ang paggawa niya ng mga drama series, ang pinakahuli, ang Dahil Sa Pag-ibig.

Natuwa rin si director Mark Reyes nang malamang papasok as guest si Sanya sa dinidirek niyang Beautiful Justice sa primetime tele­babad ng GMA 7. Magiging dalawa na raw ang Sang’gre sa serye dahil naroon na si Gabbi Garcia.

Gumaganap na isang PDEA agent si Sanya bilang si Agent Thea Vasquez at isang misyon ang ibinigay sa kanya na mapapasabak siya sa action scenes.“Natuwa po ako nang malaman kong papasok ako sa Beautiful Justice at gaganap na isang agent,” sabi ni Sanya.

Nagsimula nang mapanood si Sanya sa serye at ilang gabi pa rin siyang mapapanood, pagkatapos ng 24 Oras.

HBO may app na rin

Sa mga mahihilig manood ng mga HBO mo­vies sa inyong mga cellphones, puwede na ninyo itong mai-download sa inyong mobile phone at connected devices sa pamamagitan ng HBO Go app!  Kaya kung gusto ninyo muling mapanood ang buong seasons ng Game of Thrones, mag-subscribe lamang kayo.

Walang contract or TV subscription na kailangan para ma-avail ninyo ito. I-download lamang ang HBO Go app ngayon sa App Store or Play Store for only Php 149 a month, na may kasamang 7-day free trial. 

Kung hindi ninyo napanood ang episode ni Direk Erick Matti sa HBO Asia Original Antho­logy, ang Food Lore series, puwede rin ninyo itong mapanood sa pamamagitan ng HBO Go.

 

vuukle comment

BJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with