^

Pang Movies

Jo In-sung pasok sa listahan ni Anne

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jo In-sung pasok sa listahan ni Anne

Tinanong pala si Anne Curtis sa presscon ng Just A Stranger kung sinu-sino ang five Korean actors na gusto niya na makasama.

Nasa listahan ni Anne si Jo In-sung kaya impressed si Allan Diones dahil isa sa choices ni Anne ang aking everlasting idol.

Bongga ang Anne dahil hanggang ngayon, hindi pa siya nagsasawa na pumunta sa South Korea at may communication pa rin sila ng kanyang idol na si Park Bo-gum.

Cute ang fangirling ni Anne, natural na natural at kikay na kikay pero hindi niya maaagaw sa akin si Jo In-sung. Meron na akong notarized contract na nagsasabi na akin at akin lang ang baby ko na si Jo In-sung, forever. Ilalaban ko ‘yan, lagot ka sa akin, Anne Curtis.

Marco above the title na ang billing

Si Marco Gumabao ang leading man ni Anne Curtis sa Just A Stranger.

Lucky guy si Marco dahil magaganda at challenging ang mga role na ibinibigay sa kanya ng Viva Films.

Imagine, leading man na ang status niya at above-the-title na ang billing ng kanyang pangalan.

Talagang sinusundan ni Marco ang yapak ng kanyang tatay na si Dennis Roldan.

Noong bagets pa si Dennis, nakapareha niya sa pelikula si Nora Aunor at ang ibang mga sikat na aktres. Gaya ni Marco, nagpaseksi rin siya sa mga pictorial at movie projects niya.

Naging congressman din si Dennis pero hindi pa natin alam kung may plano si Marco na pumasok sa pulitika, balang-araw.

Sayang nga lang dahil nagbago ang takbo ng buhay ni Dennis na nasangkot sa isang kaso kaya nakakulong ngayon sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.

I’m sure, kahit hindi napapanood ni Dennis ang mga pelikula ni Marco, proud siya sa achievements ng anak niya na may regular communication sa kanya.

Ken at Rita hindi iiyak sa bagong serye

Nagsimula na ang taping ng One of the Baes, ang upcoming primetime television series ng GMA News and Public Affairs na pinagbibidahan ng loveteam nina Ken Chan at Rita Daniela.

Marami na ang nag-aabang sa airing ng One of the Baes at ebidensya ang one million views sa dance video nina Rita at Ken na kinunan sa EDSA.

Naloka ang mga motorista at ang mga tao na naglalakad sa EDSA nang ma-realize nila na sina Rita at Ken ang sumasayaw sa kalsada.

Kasama rin sa cast ng One of the Baes ang mga alaga ko na sina Amy Austria at Tonton Gutierrez. Sure ako na mag-e-enjoy ang dalawa sa taping ng show dahil comedy ito kaya hindi mabibigat ang mga eksena. Hindi sila required na umiyak na nakaka-drain ng emosyon.

vuukle comment

JO IN-SUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with