^

Pang Movies

Superbook mapapanood sa bagong season

Pang-masa
Superbook mapapanood sa bagong season

MANILA, Philippines — Na-miss niyo ba ang exciting time-travel adventures nina Chris, Joy at Gizmo sa Superbook? Well, here’s some exciting news for you.

Balik-telebisyon na ang Superbook with all-new episodes na tiyak kagigiliwan ng mga kids at kids-at-heart.

Every Sunday simula July 14, 2019, muling mapapanood ng Kapamilya fans ang Superbook sa ABS-CBN. Mas action-packed episodes at maraming inspiring characters ang mapapanood sa Superbook Season 4.

Lahat ng bagong episodes ay in-line pa rin sa season’s theme, ang Superbook Superstar na hangad pa ring ipalaganap ang good moral values at mag-e-encourage sa next generation na alalahanin at isabuhay ang magagandang asal at mga salita ni God.

Wag palalampasin ang Superbook tuwing Sunday, 9:15 a.m. sa ABS-CBN.

Fairy gustong tumira sa city

Ngayong Linggo sa Daig Kayo ng Lola Ko, habang si Betty ay dumiretso ng La Union para magbakasyon ulit, sina Vina at Ronnie ay kailangan nang bumalik ng Maynila para pumasok sa eskwelahan. Subalit, sa kanilang pagda­ting ay saka lamang nila naramdaman na may nakasunod sa kanila.

Kung tutuusin, nagimbal sina Vina at Ronnie sa pagpatay-sindi ng mga ilaw at nakakapanindig-balahibong pakiramdam. Napatunayan nila na may nilalang silang kasama nang lumitaw ang kapatid ni Fairy Mona na si Fairy Nova (Nar Cabico) sa kanilang harapan.

Nasisindak man, kasama ang kanilang land lady na si Aling Shiela ay humingi ng tulong sina Vina at Ronnie sa isang albularyo at pari upang mataboy ang masamang espiritu ang kaso lang, isang simple, mabuti at masiyahing fairy si Fairy Nova.

Nang hindi mataboy ng mga ritual na isinagawa ng albularyo at pari si Fairy Nova, nagpakita itong muli kina Vina at Ronnie upang iparating na wala itong masamang balak. Sukdulan naman ang takot nina Vina at Ronnie pero nagpaliwanag agad si Fairy Nova kung bakit nito sinundan ang dalawa.

Gusto ni Fairy Nova na maranasan ang buhay sa syudad at nainggit pala ito sa kanilang “squad goals”.

Nang matuklasan ang tunay na intension ng fairy, tinulungan nina Vina at Ronnie si Fairy Nova na malibot at maranasan ang syudad.

Tutok lang ngayong July 14 ng gabi sa GMA 7.

vuukle comment

SUPERBOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with