^

Pang Movies

Leni Santos gusto uli sa showbiz

RATED A - Aster Amoyo - Philstar.com
Leni Santos gusto uli sa showbiz
Leni Santos

Taong 2006 nang mahiwalay ang Las Vegas, Nevada-based actress na si Leni Santos sa kanyang mister na si Jeffrey Salvador, kapatid ng actress na si Jobelle Salvador at mga anak ng yumaong actor-director at producer na si Leroy Salvador from the famous Salvador Clan sa showbiz.

Ang dating mag-asawang Leni at Jeffrey ay may dalawang anak na sina Jannika Lereina at Jeffrey Nicolo na isa nang US Air Force at naka-assign sa isang naval base in Japan.

Bago pa man nagkahiwalay ang dating mag-asawang Leni at Jeffrey ay sa Las Vegas na sila naka-base. After their separation ay nagkaroon ng ibang karelasyon si Leni na isa ring Filipino guy based in Walnut, California at tumagal ang kanilang relasyon ng limang taon.  Nagkahiwalay ang dalawa dahil sa trust issue sa part ng guy kaya nakipaghiwalay si Leni.

Bumalik si Leni ng Las Vegas kung saan niya ngayon kasama ang kanyang panganay na anak na si Nika, isang working nursing student.

Minsan naming naging alaga si Leni nung ito’y aktibo pa sa kanyang showbiz career at kahit kailan ay hindi ito nagbago ng kanyang pakikitungo sa amin sa tuwing kami ay magkikita.  Siya pa rin ang mabait, thoughtful and sweet Leni na kilala namin.

Taong 2014 nang bumalik ng Pilipinas si Leni para gawin ang teleseryeng More Than Words ng GMA-7 na pinangunahan ng dating magka-love­team at magkasintahan na sina Janine Gutierrez at Elmo Magalona na isa nang Kapamilya actor ngayon.

Sa kabila ng aming very limited time in Las Vegas (two nights and one day), nagkaroon kami ng pagkakataon na magkita at mag-usap ni Leni.

Ayon kay Leni, kahit kailan ay hindi nawala ang kanyang interes sa larangan ng pag-arte and looking forward siya na muling makatrabaho ang dati niyang ka-loveteam na si Rey ‘PJ’ Abellana at anak nitong si Carla Abellana at ang mga seasoned and new breed ng mga  actor.

Beth masaya na rin ang lovelife

Masaya ako para sa aking inaaanak na si Beth Tamayo na kasalukuyang naka-base sa San Francisco, California dahil bukod sa masaya ang kanyang lovelife, maganda rin ang kanyang trabaho bilang executive assistant ng isang investment firm sa SFO. Aktibo rin si Beth sa marathon race sa iba’t ibang lugar ng Amerika at maging sa labas ng Amerika kung saan ay nakaipon na siya ng maraming medalya.

Hindi na namin pinag-usapan pa ni Beth ang kanyang ex-husband, ang Chinese-American businessman na si Johnny Wong kung kanino siya hiwalay na at naging dahilan ng kanyang biglaang pagtalikod sa showbiz in 2009.

Although nami-miss ni Beth ang showbiz, ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan sa Pilipinas, nagpapasalamat siya sa modern technology dahil regular niyang nakakausap at nakikita sa Facetime ang kanyang inang si Mommy Zeny Tamayo at ibang kapamilya maging ang kanyang best friend at kumare na si Judy Ann Santos. Sa tuwing nasa Amerika si Juday with her family ay hindi puwedeng hindi magkita ang magkaibigan.

“Juday is more than a friend to me. She is more like a sister,” pahayag ni Beth nang kami ay magkita for a brief late lunch sa isang resto-bar in Ferry Building, Embarcadero ng San Francisco na ten-minute walk lamang sa office niya. Nakasama namin sa lunch ang mag-asawang Dr. Cesar at Chato Sugay-Jimenez at kaisa-isa nitong anak sa kanyang ex-husband na isang American, si Nicole Turk who drove for us in SFO.

vuukle comment

LENI SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with